Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Sa ML extension Palasyo nagpasalamat
Sa ML extension Palasyo nagpasalamat

Sa ML extension Palasyo nagpasalamat

PINASALAMATAN ng Malacañang ang mga mambabatas sa pagbi­bigay ng go signal sa hiling ni Pangulong Ro­drigo Duterte na mapa­lawig pa nang isang taon ang martial law sa Min­danao.

Sa kalatas ni Pre­sidential spokesman Sal­vador Panelo, sinabi ni­yang makaaasa ang pu­bliko nang malaking progreso upang masugpo ang nagpapatuloy na rebelyon at patuloy na maitaguyod ang pang­kalahatang seguridad sa rehiyon.

Tiniyak ng Mala­cañang, isang taon pang lalawig ang batas militar sa Mindanao upang ma­protektahan ang kara­patang pantao ng mga mamamayan.

Bukod dito, siniguro rin ng Palasyo na tatalima ang mga uniformed ser­vice men sa kanilang man­datong bigyan ng pro­teksiyon ang taong bayan.

Ito’y sa harap ng la­yunin ng martial law na pinalawig para sa kapa­kanan ng mga taga-Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

Aprub sa Kongreso… Martial Law parang ‘unli’ sa Mindanao

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top