Thursday , July 29 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / DJ/anchor at social media artists, ambassador ng Halimuyak Pilipinas
DJ/anchor at social media artists, ambassador ng Halimuyak Pilipinas

DJ/anchor at social media artists, ambassador ng Halimuyak Pilipinas

HANDANG sumugal ang CEO/President ng Halimuyak Pilipinas, maker of Halimuyak Perfume na si Engr. Nilda Tuazon na makipagsabayan sa mga nangungunang Pinoy perfume sa bansa.

Ipinagmamalaki ni Engr. Nilda na ang Halimuyak Pilipinas perfume ay gawang Pinoy at ang mga produktong ginamit dito ay Pinoy products  tulad ng ilang-ilang.

Nais ngang maghatid ni Madam Nilda ng A1 pabango sa bawat Pinoy, pabangong puwedeng makipagsabayan sa mga foreign perfume na inaangkat sa ibang bansa sa abot presyong halaga.

Ipinagmamalaki nito na ang kanilang perfume ay pangmatagalan at hindi agad nawawala ang amoy.

By 2019 ay magpu-full blast sila na mabibili na sa mga leading mall at magkakaroon ng billboard sa iba’t ibang sulok ng bansa. At para palakasin pa ang kamalayan ng mga Pinoy sa Halimuyak perfume, kinuha nila bilang mbassadors ang ilan sa mga social media artist para makatulong sa promotion nito katulad nina Klinton Start (Supremo ng Dance Floor); Ron Mclean ( Ppop Pop-Rock Prince), Jhustine Miguel, isang commercial model; JB Paguio; Prince Earl Morales; at DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM at anchor sa DZBB.

MATABIL
ni John Fontanilla

Maine, ‘di maipaliwanag ang kaligayahan

Maine, ‘di maipaliwanag ang kaligayahan

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top