Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Big boss ng isang TV network, iniaangal ang mga artistang naiwan sa isang show
Big boss ng isang TV network, iniaangal ang mga artistang naiwan sa isang show

Big boss ng isang TV network, iniaangal ang mga artistang naiwan sa isang show

“N AKAKAINIS, bakit sila pa ang naiwan masyadong mga reklamador. ‘Yung inalis ‘yun ang napakabait at hindi mahirap ka-trabaho,” ito ang iritang sabi sa amin ng isa sa big boss ng isang TV network.

Kung ang kausap naming big boss ang papipiliin between the artists para sa bagong programa niya ay, “mas gusto ko ‘yung mabait kasi masunurin, hindi siya magiging sakit ng ulo ng buong production.

“Eh, ‘yung mga naiwan, nuknukan ng reklamador as if napakagagaling, tapos ‘yung manager niya, isa ring reklamador at nanunulsol pa sa iba para makakuha ng kakampi.  Ewan!” kaswal na kuwento sa amin.

May mga bagong kasama sa cast ang programa na ayon sa kausap naming boss ay, “malakas kasi sa management.”

 (Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top