Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagka-maldita ng 2 aktres, nag-mellow na
Pagka-maldita ng 2 aktres, nag-mellow na

Pagka-maldita ng 2 aktres, nag-mellow na

NAOOEYAN ang madlang pipol sa drama ng dalawang sikat na aktresang itey na super close kuno ngayon, pero saan ka, may panahon noon na kinabubuwisitan nila ang isa’t isa.

Sey ng isang taga-showbiz: “Naku, magtigil nga sila sa kae-emote sa social media na kunwari, eh, concerned sila sa isa’t isa, ‘no! Ang sabihin mo, pareho lang silang emotera!”

Tandang-tanda pa kasi ng aming source ang eksena noong sabay silang mag-guest sa isang talk show, “Mga nineties ‘yon, pareho silang guests. Promo guesting ‘yon na para nga naman hindi boring, eh, hinaluan ng isyu.”

Aware naman daw ang isa sa kanila na ‘yung isa ay tagahanga niya noong wala pa ito sa showbiz, “Fan kasi ‘yung isa roon ng loveteam niyong isa. Pero huwag ka, kung makatitig nang masama ‘yung bigger star sa kanila, eh, ganoon na lang. Dagger looks ang tawag doon, ‘di ba, ‘yun bang para kang sasaksakin sa tingin lang?”

Siyempre, masyonda na ang dalawang aktres. Kahit sinong taong nagkakaedad ay nagme-mellow ang ugaling pagkamaldita.

READ MORE:  Jericho at Arci, nagkakatawanan sa kanilang mapanuksong eksena
READ MORE:  Komedyanteng si Tintoy, pumanaw na

“Hmp! Mellow-mellow ka riyan! Ang sabihin mo, nagpaplastikan lang ‘yung dalawang hitad na ‘yon!” giit ng aming katsika.

READ MORE:  Ejay Falcon, inili-link kay Vice Ganda

Isyogo na lang natin sila sa alyas na Sharmaine Urdaneta at Verna Aquitana.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved