Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Vice mayor, aide patay sa ambush sa La Union (Mayor sugatan)
Vice mayor, aide patay sa ambush sa La Union (Mayor sugatan)

Vice mayor, aide patay sa ambush sa La Union (Mayor sugatan)

PATAY si Balaonan, La Union Vice Mayor Alfred Concepcion habang suga­tan ang anak niyang si Mayor Aleli Concepcion makaraan pagbabarilin habang lulan ng kanilang sasakyan, nitong Miyer­koles ng umaga.

Samantala, hindi uma­bot nang buhay sa pagamutan ang body­guard nilang si Mike Ulep.

Ayon sa ulat ng pulisya, papunta sa munisipyo ang alkalde at bise alkalde bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Cabuaan ng Balaonan.

Hindi bababa sa 150 basyo ng bala ang natag­puan sa crime scene, ayon sa mga awtoridad.

Patuloy ang mga awtoridad sa pagha­hanap sa mga suspek at masusing iniimbes­tigahan ang posibleng motibo sa pamamaril.

Parehong kumakan­didato bilang reelectionist ang mag-ama para sa susunod na halalan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top