Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kapag nakaplakang otso dapat bang abusado?
Kapag nakaplakang otso dapat bang abusado?

Kapag nakaplakang otso dapat bang abusado?

KASING bagsik siguro ng pulbura ang ‘tama’ ng plakang otso kaya ang mga nagkakaroon nito ay tumatapang.

Kasabihan ng mga abuelo at tatay noong araw, kapag dudungo-dungo ang anak na lalaki paamuyin daw ng pulbura o kaya ay pakagatin sa talim ng kutsilyo o gulok, tiyak raw na liliyad ang dibdib.

Ganyan din kaya ang epekto ng plakang otso?

Hindi lang iilang beses nasangkot sa eskandalo ang mga nagma­maneho o sakay ng mga sasakyang may plakang otso.

Ang pinakahuling insidente, ang pinag-uusapan ngayong road rager na FJ Cruiser na may plakang otso.

Hindi lang isang beses kundi dalawang beses nang naispatan at nag-viral pa ang video sa social media (socmed).

Mismong ang pamunuan ng Kamara ay nanawagan sa Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) para ‘tugisin’ ang driver o ang nagmamay-ari ng FJ Cruiser na may plakang otso.

Alam naman nating lahat na ang plakang otso ay designated sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

At hanep sa kayabangan ang nagmamaneho ng FJ Cruiser dahil ipinagsigawan pang anak siya ng congressman.

Pero itinanggi na ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin na siya ang namamay-ari ng nasabing FJ Cruiser. Ang plaka umano sa nasabing sasakyan ay inisyu noong 16th Congress, ngayong 17th Congress ay hindi nag-isyu ang Kamara ng plakang otso.

READ MORE:  Bakit ba sumisipsip kay PDU30 si Erap?

Kung hindi man tunay na kongresman ang may-ari niyang sasakyan na ‘yan na may plakang otso, e sino pala?!

Aba e, bilis-bilisan ng PNP at LTO ang pagtugis sa sasakyang ‘yan kasi baka bukas makalawa naunahan na sila ng mga carnapper at chop-chop na ang ‘ebidensiya’ lalo kapag natukoy na kung sino ang driver o may-ari ng FJ Cruiser.

Palagay naman natin kung dalawang ahensiya na (PNP at LTO) ang maghahanap sa abusadong FJ Cruiser na nakaplaka ng otso, e madali na nilang matatagpuan ‘yan.

Kung sakaling matukoy na kung sino ‘yang maangas at abusadong FJ Cruiser na may plakang otso, tingnan natin kung gaano katapang ‘yan kapag nakakita ng pulburang nakabasyo.

Tuldukan na sana ng PNP at LTO ang hulaan kung sino ang may-ari ng FJ Cruiser na ‘yan!

WELCOME MPD NEW
DISTRICT DIRECTOR
S/SUPT. VICENTE
DANAO JR.

NAKIKIISA tayo sa malugod na pagtanggap kay bagong Manila Police District (MPD) directror, S/Supt. Vicente Danao.

Maligayang pagdating sa Maynila Kernel Danao. Umaasa tayo na rito mo masusungkit ang unang estrelya sa iyong balikat.

READ MORE:  Follow the money trail of Erap aka Asiong Salonga

Nitong 7 Nobyembre, opisyal na itinalaga ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde si Kernel Danao bilang kapalit ni C/Supt. Rolando Anduyan bilang MPD director.

Si Danao ay mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), bilang deputy chief for operations. Naging Davao City police chief din siya noong panahon ni mayor Rodrigo Duterte hanggang 2016. Kabilang din siya sa Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.

Walang puwedeng tumawad sa tikas at tapang ni Kernel Danao. Sabi nga, his track records speak for itself.

Kaya naniniwala tayo na hindi uubra kay Kernel Danao ang pamamayagpag ng mga ilegalista sa MPD lalo na ‘yung mga miyembro ng delihensiya group.

Hindi rin siguro makaliligtas sa matalas na pang-amoy ng bagong MPD Director ang mga opisyal na kuwes­tiyo­nable at overstaying na sa kanilang mga posisyon.

Hindi lang sermon ang matitikman nila kay DD Danao kundi ipabubusisi pa sila sa pamama­gitan ng lifestyle check.

By the way, DD Danao, kaiingat po kayo sa magagaling magsipsip at magagaling sa pag-aalok sa inyo ng good time sa Chinese KTV bars.

READ MORE:  We will not negotiate — DUTERTE

Kung tutuusuin ay madali lang po silang makikilala — lalo na ‘yung mga hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin kahit apat na district directors na ang nakalipas.

Mantakin ninyo, apat na ang nawala, ‘yung mga overstaying officials namamayagpag pa rin sa MPD?

Aba kataka-taka na ‘yan!

I-lifetsyle check na ‘yan!

HAPPY BIRTHDAY
NCRPO CHIEF, DIRECTOR
GUILLERMO ELEAZAR!

BINABATI po natin nang maligayang kaa­rawan si NCRPO chief, Director Guillermo Elezar sa kanyang araw ng pagsilang.

Isa  sa mga opisyal ng pulisya na nakatutu­wang batiin si NCRPO chief, Dir. Eleazar dahil ramdam na magaan siyang katrabaho.

Walang patawing-tawing, trabaho kung trabaho. Kaya naman halos araw-araw naiha­hapag sa madla ang kanyang accomplishments kasama ang iba pang katotong pulis.

Happy birthday Sir, nawa’y haplosin at puspusin ka pa nang maraming biyaya sa buhay.

Hihintayin po namin ang inyong promosyon bilang bagong PNP chief.

Muli, congratulations Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved