Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dianne Medina, bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents & Oils Shop
Dianne Medina, bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents & Oils Shop

Dianne Medina, bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents & Oils Shop

ANG actress-TV host na si Dianne Medina ang bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents and Oils Shop. Ginanap ang contract signing ng naturang event sa Sulu Hotel last Saturday, November 10. Present dito ang President ng AMC Star Marketing Ser­vices Inc. na si Ms. Anne Sepnio at ang Vice President of Sales and Marketing na si Cody Manuel.

Ano ang reaction niya sa pagdating ng mga endorse­ments sa kanya? “Of course I’m really happy and very blessed and grateful kasi iba ‘yung pakiramdam na pinagkatiwalaan ka ng isang kompanya o ng isang brand to be their ambas­sadress.

“So, with One Stop Soap and with the Scents and Oil Shop, it’s really such an honor to be their ambassadress. So, thank you so much for choosing and trusting me, to Ms. Anna and Mr. Cody. Actually when they asked me, I immediately grabbed the opportunity but before grabbing it, I made sure that I’ve already tried their products and ako mismo kasi, nagtitiwala ako sa produkto and more than the product and more than endorsing the brand, it’s really more of also believing doon sa kanilang adbokasiya.

READ MORE:  Produ ng Kimmy Dora, lugi at ‘di nabawi ang ipinuhunan

“They have their objective na napakaganda and isa po kasi sa adbokasiya ko is also to take good care of the environment so ‘yun din ‘yung nagpa-attract sa akin lalo na kung bakit ko po tinanggap itong endorsement na ito,” masayang saad ni Dianne.

READ MORE:  Pang-ookray ni Toni sa Binibining Pilipinas, nakate-turn-off

Tinutukoy ni Dianne ang One Stop Soap na isang refilling station ng mga sabon. Na mas nakabubuti sa environment kaysa sachets na mula sa plastic, na nakasasama sa ating kapaligiran, lalo sa karagatan.

“I hope you guys support us by siyempre promoting like in our social media… I hope you could help us promote our brand… Thank you to my People’s Television family and of course our media friends. Thank you so much,” dugtong ni Dianne na host din ng Bagong Pilipinas ng PTV.

READ MORE:  Teen King Daniel, binulabog ang Tacloban!

Higit isang dekada na sa franchising ang AMC Star Marketing Services Inc., at dumarami ang branches every year. Kaya hindi katakataka na willing si Dianne na maging endorser nito. Ang One Stop Soap ay kauna-unahang refilling station ng home-care products sa Filipinas na mayroong higit 100 branches sa buong bansa.

Bukod dito, ang lima pang business venture ng AMC Star Marketing Services Inc., ay Meals in the Box, Mexican Food Station, at Potato Central. Para sa mga gustong mag-franchise at other inquiries, bisitahin lang ang AMC Star Marketing Services Inc. official website.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Quinn Carillo after Codep, may bagong pelikula!

Quinn Carillo after Codep, may bagong pelikula!

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved