Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, takot mapanood ang ginawang digital movie
Angel, takot mapanood ang ginawang digital movie

Angel, takot mapanood ang ginawang digital movie

AS of this writing ay nasa 15-M na ang views ng digital film na Glorious and still counting kaya overwhelmed ang dalawang bidang sina Tony Labrusca at Angel Aquino isama pa ang mga taong nasa likod nito, ang Dreamscape Digital sa pangunguna ng head nilang si Deo Endrinal.

Kuwento rin ni Direk Concepcion ‘Connie’ Macatuno, nagugulat siya sa rami ng shares, hindi niya inasahang lalaki ng ganito kaya masaya siya at the same time may kaba.

Sa Bloggers/online writers presscon ay nabanggit ni Eric John Salut, publicity head ng Dreamscape Entertainment, na sa kasaysayan ng online views ng local films ay ang Glorious ang nakakuha ng pinaka-mataas na bilang na nakapanood ng trailer kaya nag-viral.  Mapapanood ang digital movie sa Nobyembre 17 sa IWant at magkakaroon ng celebrity screening sa Nobyembre 15 sa Santolan Town Plaza.

Hiningan ng reaksiyon si Angel tungkol sa mapangahas na trailer nito.

”Hindi ko ma-explain, sama-sama rin kasi ‘yung emotions na napi-feel ko lalo na the first time I saw the trailer, the first time I got the script, hanggang ngayon mixed emotions ang nararamdaman ko.

“I feel scared, I feel happy, excited, thrilled mostly positive naman, but of course after doing what we did in the movie, natatakot pa rin akong mapanood ang sarili ko sa lahat ng ginawa ko,” masayang kuwento ng magandang aktres.

READ MORE:  Lea at Aiza, nagsagutan sa Twitter

Iisa ang tanong ng lahat kung paano napapayag si Angel na gawin ang pelikula kasama ang baguhang aktor?  Ngayon lang kasi napanood ang aktres sa ganito ka-daring na karakter, May-December affair.

“Kasi this is Dreamscape digital and it was sir Deo (Endrinal) who told me na, ‘uy, magkakaroon kami ng digital content.  We’ll start making digital content for IWant and I’m thinking of you for one of the projects.’  

“‘Yun palang ang sinabi then finally we had a meeting with (direk Connie) and told me the whole story and sabi ko, ‘direk kung gagawin natin ‘to let’s do this for real, ayoko ng half-bake, gawin nating totoo para namang maganda, ‘di ba?” kuwento ni Angel.

Bakit si Tony sa rami ng young actors ng ABS-CBN?

“Nakita ko kasi siya sa ‘La Luna’ (Sangre).  First time that I saw him on TV, na-curious ako kasi nagka-come across ‘yung sincerity niya, ‘yung freshness niya, so roon palang, curious na ako about Tony Labrusca, the actor and I wanted to work with him, but I didn’t think na this soon, so when they talk about ‘Glorious’ siyempre may ibang leading man na gusto nila, somebody who just starting, so noong (go-see) parang (hindi match sa gusto niya),” esplika ng aktres.

READ MORE:  Sigaw ng mga suki ng Ang Probinsyano: Lito at Angel, lagyan ng halikan

Walang nabanggit sa blogcon kung nag-go see o audition ang aktor.

Sa pagpapatuloy ni Angel, ”Kaya ang tuwa ko noong pumayag siya at feeling ko maski hindi ko pa siya (Tony) nakatrabaho, it will work, so I was very happy at talagang nagpa-follow up ako na, ‘pumayag ba siya sa schedule? Kasi baka bumitaw.  Kasi he’s very instrumental sa character, kung wala ‘yun hindi magwo-work.’”

At nang kunan na ang love scenes ay humanga si Angel kay Tony, ”he was very scared but matapang. He really wants to prove himself, he really wants to be an actor, makikita mo ‘yung dedication and commitment niya.  He’s very gentleman.”

Kasama sa shooting ang manager at nanay ni Tony na sina Mario Colmenates at Angel Jones kaya mas lalong nakilala ni Angel ang pagkatao ng aktor.

Talk of the town ang tongue to tongue scenes ng dalawa.

Si direk Connie ang sumagot, ”sa meeting I ask them what they can do and don’t. Parameters muna, sagot ni Angel, ‘walang bawal’ so wala talaga? Siyempre may limitation naman ‘yun. Kaya sabi ko sa kanila, ‘ako ang gusto kong kiss,wet and thorough. It can’t be fake. Tapos dito, siyempre iba naman ‘yung ‘pag kiss ni Tony, may sarili siyang version, all I said was, give me a wet kiss tapos bahala na sila, sometimes I guide them, pero sila na ‘yun.”

Nasubukan na ba ni Angel ang karakter niyang Glorious sa tunay na buhay.

READ MORE:  ElNella, may chemistry

Ang tagal bago nakasagot ni Angel at natatawa pa siya, ”hmm, naman! Yes, my past relationship was with younger people, I think the youngest was 11 years (younger). ‘Yung last who was 11 years younger, mas matured siya than an early 30’s guy and so medyo gets niya ako and gets ko rin siya and very respectful. 

“Tama ‘yung sinabi ni Tony na in a relationship like that pareho kayong may take-away both learned from each other, nagwo-work naman.”

As of now ay may idine-date si Angel at hindi na nagbigay pa ng detalye kaya sinabihan siya ni direk Connie ng, ”ikaw ang glorious!”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved