Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 54 distressed OFWs mula Saudi Arabia nasa PH na
54 distressed OFWs mula Saudi Arabia nasa PH na

54 distressed OFWs mula Saudi Arabia nasa PH na

NAKABALIK na sa Fili­pi­nas ang 54 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Saudi Arabia, nitong Linggo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III, ang OFWs ay em­pleyado ng Azmeel Contracting Corporation sa Alkhobar na matatan­daang nagkaroon pro­blema noong Agosto dahil umano sa hindi pagbibigay ng tamang sahod sa mga trabahador.

Sinabi ni Bello, haha­napan ang mga OFW ng trabaho sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng gobyerno.

Bibigyan din ang ba­wat isa sa kanila ng ayuda na nagkakahalaga ng P20,000.

Dagdag ni Bello, nasa 90 porsyento ng OFWs sa Saudi Arabia ang nais nang umuwi sa Filipinas at sa ngayon ay nasa 1,473 ang nakatakdang i-repatriate ng embahada.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top