Saturday , April 27 2024

Pinoys hilahod sa Train Law (Solons desmayado)

MALAPIT nang matapos ang 2018 pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Pinoy, ayon sa opisisyon sa kabila ng pahayag ng Philippine Statistics Authority na ang inflation noong naka­raang Oktubre ay nana­tiling 6.7 porsiyento.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, ha­bang minamaliit ng administrasyong Duterte ang datos mula sa PSA, ang katotohanan ay na­pa­­kataas ng presyo ng mga bilihin ngayon sa loob ng siyam na taon.

Ani Quimbo, dapat nang kumilos ang mga kongresista para ipa­walang bisa ang mga kontra-mahirap na buwis sa loob ng TRAIN Law sa pamamagitan ng pag-aproba ng HB No. 8171.

Dapat aniyang sus­pen­­­dehin ang excise taxes sa diesel at kerosene na kadalasang ginagamit ng mahihirap.

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin nagbu­bulag-bulagan ang ad­mnis­trasyong Duterte sa pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin.

“President ‘Pahirap’ Duterte is dragging his feet on inflation blaming global external factors and saying he can’t do anything about it. The Bureau of Customs shabu scandal has contributed to a backlog in the release of imported goods inclu­ding rice that could have mitigated high prices. Now his order for a military takeover of the BOC worsens the situa­tion,” ani Villarin.

“Sa ginawang pahi­rap ni Pangulong Duter­te, wala tayong maaa­sahan sa kanya para tu­gunan itong inflation. Habang nalulunod tayo sa taas ng presyo ng bilihin, imbes salbabida ang inihagis, malaking bato ang ipinukol sa atin,” dagdag ni Villarin.

Ang Akbayan party-list ay kasama ni Quimbo at ang halos 20 kongre­sista na nagtutulak na ipawalang-bisa ang mga excise tax sa produktong petrolyo.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *