Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)
Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)

Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)

“NAKAKATUWA at very happy to be the Ginebra San Miguel Calendar Girl. It’s a company, brand that is very respected and recognized all over the world,” ito ang nasambit ni Pia Wurtzbach nang painitin niya ang isinagawang paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong GSM Calendar Girl.

Si Pia ang napili ng GSM Inc., para maging 2019 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel kasabay din ng pagdiriwan ng kanilang ika-185 anibersaryo.

Hindi naman nagkaroon ng problema si Pia sa Miss Universe sa ginawa niyang kalendaryo dahil ipinagpaalam naman niya ito.

READ MORE:  Vilma, ‘di nakadalo sa Gawad Pasado

Aniya, hindi naman niya kinailangang i-explain ang naturang proyekto. Ang nangyari lang, direktang nakipag-usap ang GSM management sa Miss Universe at nagustuhan naman nila ang idea ng isinagawang photo shoot ng aktres/beauty queen.

Ayon kay Pia, humingi siya ng ilang buwan para mapaghan­daan ang isinagawang photo shoot. Nag-ehersisyo siya sa gymn at nag­pa­suporta sa phy­sical fitness and beauty spe­cialists.” A few months ago, I just feel I needed to change something with my fitness…and yes, maganda ang nangyari.

“I talked to myself and wait I feel good, I feel stronger, I feel better, just overall, I feel good with this (fitness journey).”

At kahit natapos na ang photo shoot ni Pia, may iba pa siyang goal.  Itutuloy pa rin niya ang fitness journey niya dahil may nais pa siyang gawin tulad ng pagsali sa marathon. ”I wanna see if I can like, what do I have to take if I join a marathon? I wanna see how far I can go with my body, with my fitness.”

“Ipinagmamalaki naming makuha si Ms. Pia bilang GSM 2019 Calendar Girl. Si Pia ang angkop na personalidad para maging kinatawan ng aming tatak, lalo pa’t ipinagdi­riwang na ng Gi­neb­ra San Miguel ang ka-185 ani­ber­saro. Si Pia ang kawa­ngin gn tatak Gine­bra,”  giit ni GSMI Market­ing manager,  Ron Molina.

Pia Wurtzbach Ginebra San Miguel Calendar Girl 2

Pia Wurtzbach Ginebra San Miguel Calendar Girl 2

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert

Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved