Saturday , January 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo, napa-‘gago’ sa basher
Piolo, napa-‘gago’ sa basher

Piolo, napa-‘gago’ sa basher

PIOLO PASCUAL is not a saint! Tao lang siya, kaya nang dumating sa amin ang balitang nang-’gago’ raw ito ng basher, we truly understood his stand.

Alam namin kung gaano niya kinokontrol ang kanyang galit kapag binabash siya at dahil maka-Diyos ang aktor, ipinagdarasal na lang ang mga ito.

Ang kuwento, nag-post ng picture ang aktor sa Instagram na kuha ng kanyang kaibigan na naka-mudpack kaya hindi sila namukhaan.

Ang siste, parang girl daw ang friend nito dahil nakasuot ito ng tank top na pang-girl. Binati nito ang kanyang friend ng ‘happy birthday’ na mukhang close sila. Kaya naman, may basher na nag-comment na ‘for your bf niya yan.’

Agad sumagot si Papa P ng ‘Gago ka ba?’

Ang ending, kinuyog ng fans ni Piolo ang basher na ikinatuwa nila ang naging pagsagot ng actor. Paano naman kasi hindi talaga pumapatol ang aktor pero mukhang close siya sa binating kaibigan, kaya affected siya.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu


Vice Ganda, gandang-ganda kay Marian

Vice Ganda, gandang-ganda kay Marian

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top