Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 7 arestado sa ‘Red October’
7 arestado sa ‘Red October’

7 arestado sa ‘Red October’

PITONG hinihinalang tero­rista na sinasabing may kaugnayan sa “Red October” plot para patal­sikin sa puwesto si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte ngayong buwan, ang ina­resto, ayon sa ulat ng pulisya at militar nitong Martes.

Kabilang sa inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ang limang high-ranking communist terrorists at dalawang lider ng Maute Group, ayon sa security agencies.

Bunsod nang pag-aresto sa mga suspek ay hindi natuloy ang planong pagpapatalsik kay Du­terte, ayon kina PNP chief, Director General Oscar Albayalde, at AFP Chief of Staff Carlito Galvez Jr.

Ayon sa militar noong Lunes, ang Red October plan ay lumamig, ngunit nananatili umano ang planong destabilisasyon na posibleng ipatupad sa Disyembre.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top