Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran?)
Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran?)

Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran?)

Hataw Frontpage Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran)

Hataw Frontpage Piñol ibinuking ni Dominguez (Rice smugglers pinaboran)

NAKAAMBA ang palakol ni Pangu­long Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ang nabatid kahapon.

Ayon sa isang source, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Finance Secretary Sonny Domi­nguez at Piñol sa cabinet meeting nitong 8 Oktubre sa Palasyo na humantong sa sigawan.

Sa harap umano ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te at lahat ng miyembro ng gabinete ay ibinisto umano ni Dominguez na may isang grupo na pinaboran si Piñol kaya nagkaroon ng krisis sa bigas sa bansa na naging sanhi ng paglobo ng infla­tion.

READ MORE:  Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa

Hindi tinukoy ng source kung pinaboran ni Piñol ang mga sinasabing rice smugglers.

Noong umpisa aniya ng komprontasyon ay itinanggi pa muna ni Piñol na kilala niya ang tinukoy na pangkat ni Dominguez ngunit sa tindi ng pag-usisa ng finance chief ay napaamin umano si Piñol na isang buwan ang inihirit ng grupo upang makabawi sa kanilang kapital.

READ MORE:  Digong kasuhan sa ill-gotten wealth (Himok ni Koko kay Trillanes)

Lalo umanong nang­ga­laiti si Dominguez at ipinamukha umano kay Piñol na anti-people ang pagkiling niya sa mga negosyante at isina­kripisyo ang kapakanan ng publiko.

Sinabi ng source na isang miyembro ng gabi­nete na may bagong posisyon ang ‘nagbaterya’ kay Pangulong Duterte sa kawastohan ng punto ni Dominguez.

Sa nasabing cabinet meeting ay iniutos ng Pangulo ang libera­lisa­s-yon ng rice importation sa bansa upang bumaha ng bigas sa pamilihan at bumaba ang presyo.

READ MORE:  P.2-M dinukot sa bag ng OFW

Inalisan ng Pangulo ng kapangyarihan ang National Food Authority (NFA) na mag-accredit ng rice importers at mag­determina kung gaano karaming bigas ang pu­wedeng angkatin.

Matatandaan, ibinalik ni Pangulong Duterte sa Department of Agricul­ture ang pangangasiwa sa NFA.

Giit ng source, kung walang naging problema sa bigas ay 5.4% lamang ang inflation rate noong Agosto at hindi 6.4%.

Naging isyu laban kay Pangulong Duterte ang patuloy na paglaki ng inflation.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved