Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Albert, ‘di kayang palitan si Liezel; Alyzza at Alyanna, madalas ka-date
Albert, ‘di kayang palitan si Liezel; Alyzza at Alyanna, madalas ka-date

Albert, ‘di kayang palitan si Liezel; Alyzza at Alyanna, madalas ka-date

SANGA-SANGA. Ganito ilarawan ang career ni Albert Martinez sa Kapamilya Network dahil sunod-sunod ang teleseryeng ginagawa niya. Pagkatapos sa Ang Probinsyano, nakasama rin siya sa The Good Son, Bagani, at ngayon ay sa bagong handog ng Dreamscape Entertain­ment Inc., ang Kadenang Ginto na mapapanood simula sa Lunes, Oktubre 8 sa Kapamilya Gold.

“I don’t know how to look at it, I don’t know what to say, it just happened. Buti na lang I’m ready, physically, mentally, emotionally.”

Hindi naman itinanggi ni Albert na mahirap ang preparation niya sa mga karakter na ginagawa niya.

“’Yun nga ang preparation mahirap. Kasi ang main objective mo is to show the audience na it’s not the character you play at the same time. Kasi kapag nakita nila baka sabihin nila, ‘pagod na ako sa iyo.’ Kaya kailangan talagang ayusin mo ng tama per character na hindi sila magkamukha.”

READ MORE:  Ang Babaeng Humayo pasok sa Venice Filmfest

Sa Kadenang Ginto ay si Beauty Gonzales ang kapareha niya na gumaganap bilang si Romina, ang babaeng maaasahan lalo na sa kanyang pamilya dahil sa kasipagan. Kaya naman nasabihan si Albert na pabata ng pabata ang kanyang nagiging leading lady.

“Medyo nga,” natatawang sagot ni Albert dahil bago si Beauty ay nakatambal din niya si Yen Santos sa All of Me.

Pero sa totoo lang, bagay pa rin sa kanya sina Yen at Beauty at hindi kami makapaniwalang 57 na ang actor.

Ani Albert, ine-enjoy niya ang kanyang buhay gayundin ang kanyang pamilya. Kaya naman naikuwento nitong wala siyang time para magkaroon ng bagong lovelife.

“Buti na rin siguro ang ganoon, para I don’t think about it. I’m busy,” paliwanag niya.

Nang tanungin kung wala na siyang balak mag-asawang muli, sagot ng actor, “Hindi ko siya hinahanap. Kapag nangyari, nangyari, ‘di ba? Para nga ‘yung movie ni Aga na, ‘First Love.”

Nalaman din naming wala siyang time para makipag-date at kahit nawala na si Liezl, ang kanyang asawa ay never na siyang nakipag-date pa.

READ MORE:  Moon of Desire ni Meg Imperial pinag-uusapan sa social media/Yam Concepcion classy contravida sa Pure Love

“I have two girls, Alyanna and Alyzza who is very demanding and kumbaga controlling. So I spent more time with them. So ang lagi kong date si Alyzza. Kung nasa States naman kami si Alyanna.”

At kung sakaling magkaroon siya ng panibagong pag-ibig sinabi ni Albert na tiyak na hindi papayag ang kanyang mga anak. “Parang hindi kasi may lumabas na rumor na actually fake news na I’ve seen with this girl buying a wedding ring. Tapos nakita ko nag-message si Alyanna, si Alyzza.

“Hindi pa sila ready which is okey naman sa akin. It’s hard to fill the shoes of Liezel, hindi ganoon kadali iyon.  So in order for me to be with someone again, I have to be deeply in love with that person. Or someone na either ka-level ni Liezel or beyond. So the expectation is so high, the target is so high. Parang mahirap.”

READ MORE:  Allen Dizon, nanalo ng apat na Best Actor sa loob ng limang buwan!

Sa kabilang banda, gagampanan ni Albert ang papel ni Robert, ang may-ari ng pinagtatrabahuhang kompanya ni Beauty. Mauuwi sa isang relasyon ang kanilang pagsasama, ngunit hahadlangan ng anak ni Robert na si Daniela (Dimples Romana).

Kasama rin sa cast ng Kadenang Ginto sina Eula Valdez, Ronnie Lazaro, Luke Conde, Nikko Natividad, Adrian Lindayag, Kat Galang, at Savannah Rosales. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved