Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magsiyota, 3 pa huli sa buy-bust
Magsiyota, 3 pa huli sa buy-bust

Magsiyota, 3 pa huli sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang sinabing magsiyotang tulak  ng ilegal na droga, kasama ang tatlo pang kalalakihan, kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

READ MORE:  500 Pinoy nurses wanted sa Germany — POEA

Kinilala ng pulisya ang magsiyotang suspek na sina Arnold San Fernando, 28-anyos, at Nancy Bautun, 24, kapwa residente sa Purok 2, Sapa, Brgy. 8 ng naturang lungsod.

Arestado rin ang tatlo pang mga suspek na sina Ericson Ibañez, 45; Enrique Rosalida, 42, at ang 17-anyos binatilyo.

READ MORE:  CEO ng Malaysian firm inireklamo ng rape, sexual harassment (Sex over promotion nabigo)

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Aian-Jay Gamayon, dakong 11:45 pm nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni C/Insp. Deimos, ang buy-bust operation laban kina San Fernando at Bautun sa labas ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

READ MORE:  Titser kritikal 3 estudyante naospitaL (Asoge tumapon sa MaSci lab)

Inaresto ang dalawa, kasama ang kanilang uma­no’y tatlong mga parok­yano.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved