Thursday , September 23 2021

Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas

LIGTAS ang bukod tanging Filipino nang yanigin ng 7.5 magnitude earthquake at manalasa ang tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia ni­tong Biyernes na ikina­matay nang mahigit 800 katao.

Ito ang ulat ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) sa Mala­cañang kahapon, ayon kay Presidential Spokes­man Harry Roque.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee, kasalu­kuyang nasa Lapas Penitentiary ang Filipino at binubuno ang hatol ng korte dahil sa dati niyang kaso.

Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at panalangin ang Palasyo para sa daan-daang na­matay sa lindol at tsunami.

Tiniyak ng Mala­ca­ñang ang kahandaan ng Filipinas na tumugon at umayuda para sa mga pangangailangan ng Indonesia.

(ROSE NOVENARIO)


400 patay sa tsunami sa Sula­wesi, Indonesia
400 patay sa tsunami sa Sula­wesi, Indonesia

About Rose Novenario

Check Also

092321 Hataw Frontpage

Mula Smokey Mountain patungo sa Malacañang (Landas ni Isko sa 2022)

ni ROSE NOVENARIO MULA sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila patungo sa Malacañang. Ito ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *