Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica, pinatawad na si John Lloyd
Angelica, pinatawad na si John Lloyd

Angelica, pinatawad na si John Lloyd

MISTULANG nagpiprisinta na si Angelica Panganiban para maging ninang ng anak ng ex n’yang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna.

“Ano, gusto mo ba akong magninang? Kasi mabuti akong ninang,” parating ng aktres kay John Lloyd noong mag-guest siya sa Gandang Gabi, Vice nitong nakaraang Linggo sa Kapamilya Network.

Pinaglaro ni Vice Ganda si Angelica sa segment ng show na nagpapakita ng mga litrato at magtatanong ang guest kunwari roon sa tao sa litrato. At ‘yun nga ang itinanong ni Angelica sa picture ni John Lloyd.

Sana naman ay sincere ang offer na ‘yon ni Angelica, pati na ang deklarasyon n’yang pinatawad na n’ya si John Lloyd sa tuluyang pang-iiwan sa kanya para makipagrelasyon kay Ellen.

READ MORE:  Carlo at Angelica, walang relasyon pero grabe ang sweetness

Promo guesting kasi ‘yon ni Angelica kaugnay ng bago n’yang seryeng  Playhouse sa Kapamilya Network. Natarayan na n’ya noon sina John Lloyd at Ellen sa iba n’yang guestings at media events/interviews, at may nga nagsususpetsa na pa-sweet na siya kay John Lloyd para maiba naman ang drama n’ya sa mundo.

At sa Playhouse, ang papel ng aktres ay ninang siya ng isang bata na kinakailangan n’yang alagaan dahil yumao ang mga magulang nito sa isang aksidente. Katuwang n’ya sa pag-aalaga ang karakter naman na ginagampanan ni Zanjoe Marudo.

READ MORE:  Talent manager, nairita sa babaeng personalidad na ginagamit ang mga hininging damit para sa charity project

Nagpo-promote na rin si Angelica ngayon ng balik-tambalan nila ni Carlo Aquino na ex din n’ya. Exes Baggage ang titulo ng pelikula.

May mga duda sa sincerity ni Angelica dahil parang si John Lloyd lang ang pinatawad na n’ya kahit na never naman ito humiling ng pagpatawad. Sa Gandang Gabi, Vice, hindi binabanggit ni Angelica ang pangalan ni Ellen.

Pahayag ni Angelica, “Napatawad ko na. Masaya na ako. Masaya ako at wala akong hinihiling kung hindi ang buong buong happiness niya. Talaga. Nilang lahat. ‘Yun lang ang gusto kong mangyari. Sana, ‘yung hiniling niya, nakuha niya talaga.”

Sana lubusan nang mapatawad ni Angelica si Ellen. Nakaka-good karma ang pagpapatawad.

READ MORE:  Beutederm’s 24th branches, binuksan na

Sana rin ay itigil na ni Angelica ang pag-o-offer niya na maging ninang ng anak nina John Lloyd at Ellen para ‘di siya magmukhang gumigimik lang. Matagal nang nabinyagan ang anak ng dalawa. Sa kumpil na lang siya magprisintang maging ninang.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas


Jake, walang takot na sumalang sa isang stage play
Jake, walang takot na sumalang sa isang stage play
COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved