Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Date ni Piolo sa ABS-CBN Ball, inaabangan
Date ni Piolo sa ABS-CBN Ball, inaabangan

Date ni Piolo sa ABS-CBN Ball, inaabangan

SA Sabado na magaganap ang ABS-CBN Ball at isa sa inaabangan ay kung sino ang makaka-date ni Piolo Pascual sa charity ball ng Kapamilya Network.

Sa launching ng ika-10 taon ng SunPIOLOgy, sinabi ng actor na wala pa siyang niyayaya para maging date sa naturang event.

“’Yung anak ko, si Inigo ang makakasama ko. Basta, I’ll just go there at have fun. Let’s see what happens, bahala na si Batman!” anang actor habang nangingiti.

May bumanggit sa pangalan ni Shaina Magdayao kaya naman ang naging sagot ng aktor, “Alam n’yo ayoko na lang magsalita kasi naba-bash ako, eh. Hangga’t maaari huwag na lang, para makaiwas na rin (bashers), kasi baka may masabi lang din ako na hindi maganda.

“Hindi pa kami nakakapag-usap, but we’re good and I don’t wanna cause trouble. But, you know, you’ll see what you’ll see,” sambit pa ng actor.

READ MORE:  Sex video umano ni Anjanette, ikinaila

“If there’s anything that, you know, that’s going on between us, mas maganda kami na ‘yung mag-uusap. Kasi nagkakaroon lang ng he said, she said.”

Samantala, sampung taon na ang SunPIOLOgy na magka-partner si Piolo at ang Sunlife Philippines. Espesyal ang SunPIOLOgy ngayong dahil dahil  isang dekada na ang charity-sporting event na tinawag ng TRIO of events para mag-raise ng funds para sa education, diabetes awareness, at makatulong sa mga Pinoy paa sa isang healthier lives.

Ang SUNPIOLOGY TR10 ay may tatlong paraan para maging bahagi ng event na ito, maaaring mag-join sa SUN CYCLE PH sa Nov. 17 sa Bonifado Global City; SUN LIFE RESOLUTION RUN at SUN vs STARS with Star Magic, na parehong magaganap sa Jan. 26, 2019 at gagawin sa Camp Aguinaldo.

READ MORE:  “Bagani” nina Enrique at Liza pinakamalaki at pinakamagastos na teleserye ng taon

Ayon kay Sun Life Chief Marketing Officer na si Mylene Lopa, “Wellness has been one of our key initiatives for the past years. Now, we are strengthening our message by inspiring more people to ‘live healthier lives’. With our line of new-generation Health and Accident products, Go Well community events, and partnerships such as SUNPIOLOGY, we want to show Filipinos how health and wealth shine brighter together.”

Iikot naman sa apat na siyudad ang makikiisa sa SUN LIFE CYCLE PH—Taguig, Makati, Manila, at Pasay para sa mga beginner at seasoned bikers.

Ito’y mula sa Sunrise Events na ang mga categories ay kinabibilangan ng Family Ride (30mins dur.);Tricycle Ride (100m and 500m); Short Ride (20km); at Long Ride (40km). Makikiisa rin ang mga celebrity na mahilig sa cycling tulad nina Sun life ambassadors Matteo Guidicelli at Piolo.

READ MORE:  MJ Lastimosa, wala pang plano after Binibining Pilipinas

Sa mga interesado, puwedeng register sa www.sunlife.cycleph.com.

At bukod sa Pilipinas, ang Resolution Run para sa diabetes at live healthier lives ay magaganap naman sa Malaysia (Jan. 13), Indonesia (Jan. 20), Hong Kong (Jan. 27), at Vietnam (Jan. 27). Ilan sa mga beneficiaries nito ay ang Hebreo Foundation, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Nordhoff Foundation at Star Magic scholars. Registration is now open at www.sunpiology.com.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Kris, aminadong wasak na wasak, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
Kris, aminadong wasak na wasak, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved