Saturday , August 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bentahan ng tiket sa concert ng isang singer, ‘di gumagalaw
Bentahan ng tiket sa concert ng isang singer, ‘di gumagalaw

Bentahan ng tiket sa concert ng isang singer, ‘di gumagalaw

MUKHA ngang kailangang gawin na ng isang sup­porter ng isang singer ang balak niyang pakyawin ang lahat ng tickets sa isang show na gagawin niyon at ipabenta sa mga scalpers kahit na sa paluging presyo, o ipamigay na lang.

Natatakot kasi ang supporter na lumabas na flop ang show ng kanyang favorite singer. Malapit na ang show, pero hindi raw halos gumagalaw ang bentahan ng tickets. Natatakot siyempre sila na baka maulit na naman ang nangyari sa isang naunang show niyon na halos walang nanood at kakalog-kalog ang mga tao sa theater na pinagdausan.

Kasi naman eh, hindi pa matanggap na tapos na ang kanilang panahon.

(Ed de Leon)

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top