Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 maintenance vehicles ng MRT nagbanggaan, 6 sugatan
2 maintenance vehicles ng MRT nagbanggaan, 6 sugatan

2 maintenance vehicles ng MRT nagbanggaan, 6 sugatan

ANIM katao ang  nasuga­tan, kabilang ang dala­wang empleyado ng Department of Trans­portation (DOTr), nang magbanggaan ang dala­wang maintenance vehicles ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa gitna ng Buendia at Guadalupe stations sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa VRB Hospital sa EDSA-Boni ang mga sugatan na sina Roger Piamonte, lineman at team leader, nagkaroon ng bali sa kanang balikat; Eric Anthony Cabab, driver-technician, nabalian sa kaliwang balikat, kapwa emple­yado ng DOTr, habang minor injuries ang apat iba pa kabilang sina Randy Bolilan at Alex Lumico, kapwa guwar­diya ng Kaizen Security Agency, pawang nilala­patan ng lunas sa nabang­git na pagamutan.

READ MORE:  i-ACT bakit ayaw pumunta sa Lawton?
READ MORE:  Bday party sa sementeryo niratrat 5 patay, 1 sugatan

Ayon sa inisyal na ulat ng pamunuan ng MRT, bandang 3:00 am nang mangyari ang insi­dente sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations sa nasabing lung­sod.

Bunsod ng insidente, hindi agad nakabiyahe ang mga tren ng MRT-3 dahil naantala sa pagla­lagay ng mga bagon sa riles hanggang 5:30 am, naging sanhi ng paghaba ng pila ng mga pasahero sa North Avenue station sa Quezon City. Dakong 6:15 am nang pasakayin sa tren ang mga pasahero.

READ MORE:  Huwes sa Laude Case hiniling mag-inhibit (Kaklase ng abogado ni Pemberton)

 (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved