Sunday , September 14 2025

Inaapi ang mga Pinoy kahit sa sariling bayan, mga Intsik untouchable  

UMAABOT sa 2.3 mil­yon ang itinatayang bi­lang ng mga kaba­ba­yan natin na nagta­trabaho sa labas ng bansa bilang overseas Filipino worker (OFW), base sa isi­na­gawang survey noong nakara­ang taon (2017).

Hindi na ito ipag­tataka dahil natural la­mang na habang lumo­lobo ang ating populasyon ay kasabay rin si­yempre ang paglaki ng bilang ng mga OFW kada taon.

Ang OFW deployment sa ilalim ng overseas program ay nagsimula sa administrasyon ni yumaong dating Pang. Ferdinand E. Marcos na noo’y pansamantalang solusyon ng pamahalaan habang lumalaki ang bilang ng mga mamamayan na walang trabaho.

Pero alam n’yo ba kung bakit ilang dekada na ang nakararaan ay mailap pa rin para sa marami na narito sa sarili nilang bayan makapagtrabaho?

Nabulgar sa budget hearing ng Senado kamakailan ang nakaaalarmang pagdagsa ng mga dayuhang Intsik dito sa ating bansa.

Sa Metro Manila pa lang ay may 400,000 dayuhang Intsik na walang working permit pero ilegal umanong nagtatrabaho rito, ayon sa datos na inilabas sa Senado.

Ang mga sinasabing undocumented workers na dayuhan ay nagtatrabaho sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Sila ay untouchable kaya’t bulag sa kanila ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Justice (DOJ), Bureau of Immi­gration (BI) at iba pang mga law-enforcement agency.

Samantala, ang mga kababayan nating undocumented ay pinahihirapan at ikinukulong nang matagal sa ibang bansa kapag nahuli.

May 100,000 dayuhan naman ang umano’y nagta-trabaho at empleyado ng mga casino at hotel sa Entertainment City – sa Pasay at Parañaque.

Teka muna, hindi ba inaagaw na ng mga dayuhang Intsik na ‘yan ang karapatan ng mga Filipino na makapagtrabaho sa sariling bayan?

Nasaan ang proteksiyon sa batas ng mga Filipino na kaya namang gampanan ang trabaho ng mga Intsik?

Akalain n’yo, mas minabuti pa ng mga nego­syante na nagtayo ng casino at hotel na magpasuweldo ng limpak sa mga dayuhang Intsik, gayong dito sila sa atin kumikita?

Aba’y, babagsak nga ang ekonomiya natin kung pati ipinambabayad sa sebisyo ng emple­yado ay sa China pa rin ang pasok.

Aba’y, masyado naman yatang agrabyado ang mga Filipino!

Kaya’t hindi na tayo dapat magtaka kung mara­mi sa mga kababayan nating OFW ang patuloy na dumaranas ng kalupitan sa kamay ng kanilang mga amo, alam kasi nila na ang gobyerno ng Filipi­nas ay walang kakayahan na magtanggol sa sariling mamamayan.

Aber, paano maipagtatanggol ng gobyerno ang mga kababayan nating OFW sa ibang bansa kung sa mismong sariling bayan ay pinapayagan silang apihin?

Tiyak na may mga kumikita sa pagdagsa ng mga Intsik sa bansa kaya kahit ilegal ang pagtatrabaho at pamamalagi sa bansa ay hindi sila hinuhuli.

 

MGA ‘TWAT CHAT’ NA INTSIK

SA DIVISORIA AT BACLARAN

KUNG paanong hindi nagsisipagbayad ng buwis ang mga Intsik na nagtatrabaho sa mga casino ay gano’n din ang mga negosyanteng nag­t­itinda sa 168 sa Divisoria at sa Baclaran.

Ang kanilang mga paninda ay ilegal na nai­pu­­puslit sa tulong ng Bureau of Customs (BOC).

Karamihan sa kanilang ibinebenta ay mga pekeng produkto na ipinagbabawal ipasok sa bansa at sumasalunga sa batas ng intellectual property rights (IPR).

Twat chat!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com)

KALAMPAG
ni Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *