Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?
JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?

JM, ipinalit ni Barbie kay Paul?

NAGKATAMPUHAN pala ang magkapareha sa seryeng Araw Gabi na sina Barbie Imperial at JM de Guzman, pero ngayon ay okey na sila. Naayos na nila ang kanilang tampuhan, na hindi sinabi ni JM kung ano ang pinag-ugatan.

Sa kanyang Instagram story noong Lunes, ibinahagi ni JM ang maigsing video na makikitang nagkukulitan sila ni Barbie. Bungad na pahayag ni JM, “Peace and all good.”

Sabay tanong ni JM kay Barbie, “Bati na tayo?” Balik-tanong ni Barbie, “Bati na tayo?”

Sagot naman ni JM, “Bati na.”

Nasun­dan pa ito ng hiwalay na Instagram story na isinulat niya ang “Start over again…this time we’ll do it right.”

Well, ano nga kaya ang dahilan ng naging tampuhan ng dalawa? At ano kaya ang ibig sabihin ni JM sa sinabi niyang this time, we’ll do it right? Parang may something na nga sa dalawa, ‘di ba? Si JM na nga kaya ang bagong lalaki sa buhay ni Barbie after nilang maghiwalay ni Paul Salas?

Nagka-developan kaya sila, dahil lagi silang nagkikita sa taping ng kanilang serye? Pakisagot nga Barbie at JM?

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top