Friday , April 26 2024
Angelica Jones Manny Pacquiao
Angelica Jones Manny Pacquiao

Angelica Jones, abala sa pagiging consultant ni Pacman

MAY bagong endorsement ang dating Bokal ng Laguna at dati ring singer at artistang si Angelica Jones.

Ito ay ang NEXTGEN na isang multi-level company na ang pinaka-produkto ay mga organic na inihahatid ng mga magsasaka sa ating hapag-kainan.

Ang NEXTGEN Global alliance Corporation ay pinamumunuan ni Reynante C. Lascoña na nakabase sa Davao.

Sa pagdiriwang ng kanilang ikatlong anibersaryo na idinaos sa PICC, ibinahagi nina Reynante at Angelica ang mission/vision ng kompanya na libk-libo na ang miyembro sa buong Pilipinas.

Si Mama ko nga ang unang nakagamit ng mga organic product ng NEXTGEN. ‘Yun mahilig maghalaman, magluto, at basta para sa health talagang ginagamit niya. Kaya noong mag-meet kami ni Sir Rey in an event, nabanggit niya sa akin ito. At naniniwala naman ako sa gustong palaganapin ng Organic Revolution.”

Abala rin si Angelica sa opisina ni Senator Manny Pacquiao as one of Pacman’s consultants kaya nag-oopisina siya during the weekdays doon.

Iniwanan na ba niya ng tuluyan ang showbiz?

Hindi naman. Kaya lang kung may taping sa weekend ko lang magagawa. Kasi, mahirap mag-absent sa trabaho ko.”

May lovelife ang Miss Flawless.

One year and four months na. Bokal siya (Jojo Matias) sa 3rd district ng Nueva Ecija. Boto sa kanya si Mommy. At close rin siya sa anak kong si Angelo (6 years old). Buntis pa lang ako sa anak ko, iniwan na kami ng tatay niya kaya wala siyang father figure. Sabi ko naman sa kanya na magdasal lang siya. Kung ibibigay ni God, darating na lang.”

Babalik ba siya sa politika?

Hindi na muna siguro. Okay naman ako sa trabaho ko kay Senator Manny. At saka nasa politika na si Jojo. So, susuporta na lang ako. Kasal? Hindi pa namin napag-uusapan. Dati siyang Pastor. Kaya bumait ako sa kanya. At malaki at marami na talaga ang nagbago sa akin. Comedian pa rin naman ako pero ‘di na gaya ng dati. Kaya gusto ko rin kung babalik ako sa pag-arte ‘yung seryoso na. Ang importante sa akin ngayon eh, ‘yung peace of mind.”

Natutuwa lang si Angelica sa magandang adbokasiya ng NEXTGEN kaya gusto niyang mapalaganap pa ito sa mas marami pa nating kababayan.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Ma Dong-seok Chavit Singson

Ma Dong-seok ng Train to Busan dadalhin ni Chavit sa ‘Pinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na maraming Pinoy ang mae-excite dahil bibisita sa Pilipinas …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *