Thursday , September 18 2025

11 patay, 60 missing sa Cebu landslide

UMABOT na sa 11 katao ang kom­pir­madong namatay habang 60 ang nawawala sa pagguho ng bahagi ng isang bundok sa Naga City, Cebu nitong Huwebes, ayon sa ulat ng local disaster office.

Nangyari ang land­slide sa Sitio Sindulan, Brgy. Tinaan nitong Hu­we­bes ng umaga kasunod ng malalakas na pag-ulan, ayon kay Julius Regner, public infor­mation officer ng disaster office.

Isinailalim na sa state of calamity ang limang barangay na nakapalibot sa bundok, kabilang ang Tinaan, Cabungahan, Na­alad, Mainit, at Pangdan, ayon kay Iris Algabre, communications officer ni Naga City Mayor Chris­tine Chong.

Malapit ang natabu­nang mga bahay sa isang quarry site o lugar na isi­nasagawa ang mga paghuhukay sa lupa, ayon kay Tinaan Bara­ngay Chairman Teodoro Cantal Jr.

Dagdag ni Cantal, dalawang linggo ang nakalipas nang abiso­han niya ang mga residente na lumikas dahil sa mga bitak na nakita sa lupa.

Habang inilinaw ni Mayor Chong na naglabas na siya ng cease and desist order para ipatigil ang operasyon ng quarry site.

Limang katao ang iniulat na nahukay nang buhay at dinala sa ospi­tal.

Nasa 300 pamilya ang lumikas sa evacu­ation center makaraan ang insidente.

Nangako ang provin­cial government ng Cebu na magbibigay ng ayuda sa mga lumikas.

Iniimbestigahan ng Mines and Geosciences Bureau ang pinang-yarihan ng pagguho na dati na raw natukoy na land­slide-prone area.

Kasabay nito, patuloy ang pagsagip sa mga na­baon ng gumuhong lupa sa bayan ng Itogon, Ben­guet bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Ompong.

Ang bagyong Om­pong sa ngayon ang iti­nuturing na pinakama­lakas na bagyong du­ma­an sa bansa nitong taon.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Martin Romualdez

Romualdez nagbitiw  na sa puwesto

ni Gerry Baldo NAGBITIW sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez kahapon sa gitna ng …

filipino fishermen west philippine sea WPS

Chairman Goitia: “Walang Karapatang Magbantay sa Dagat ang mga Sumira Nito”

MULING nagbabala si Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus, tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating …

ICI Independent Commission for Infrastructure

Senado at Kongreso, pinabibitiw sa imbestigasyon
7 SA 10 PINOY, MAS TIWALA SA INDEPENDENT COMMISSION

PITO sa bawat 10 Filipino ang gustong magpaubaya ang Senado at kongreso sa independent commission …

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *