Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)
Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

MAGPUPULONG ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang talakayin ang panibagong viral video ni Assistant Secretary Mocha Uson at pro-Duterte blogger Drew Olivar na ginawang katatawanan ang “sign language” na ginagamit ng mga pipi’t bingi.

“I will dicuss this with the team,” ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar hinggil sa viral video na umani ng batikos ng publiko.

READ MORE:  Trillanes sa Senado: Bank accounts nina Digong, Sara busisiin

Sa kanyang Facebook page ay inilathala ni Mocha ang video na inutusan niya si Olivar na mag-sign language at humagalpak ng tawa habang kung ano-anong senyas sa kamay ang ginawa ng pro-Duterte blogger.

Noong nakalipas na buwan ay binigyan ng memorandum ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy si Mocha na nagpapaalala sa kanya na kumilos bilang isang opisyal ng gobyerno na nagpapakita ng propesyonalismo sa lahat ng oras alinsunod sa itinakda ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

READ MORE:  Jay Sonza, nasilat o biktima ng fake news

Ang memorandum ay resulta ng naging viral na bastos na “pepe-dede ralismo” video nina Mocha at Olivar hinggil sa isinusulong na federalismo ng administrasyong Duterte.

READ MORE:  Duterte haharap sa ICC

Napaulat na walong opisyal ng PCOO ang lumagda sa isang petisyon para tanggalin si Mocha ni Pangulong Duterte na isinumite kay Executive Secretary Salvador Medialdea dahil sa nasabing video. (ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved