Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)
‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)

‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Philippine Army Com­manding General Rolando Bautista bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) kapalit ni Jason Aquino na nagbitiw noong nakaraang linggo.

“NFA ka na. Mabait ‘yan si Rolly,” anang Pangulo sa command conference sa kapitolyo ng Cagayan sa Tuguegarao City kahapon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang ayusin ni Bautista ang ‘idiotic structure’ sa NFA at tiyakin ang matatag na supply ng bigas sa buong bansa.

READ MORE:  Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy

“There is a death of substantial knowledge of where the rice is (during calamity). I need some­body I can trust at masabihan ko na fix that. So wala na ako ibang mailagay, so si Bautista muna. In the meantime you have to help the country and rationalise everything there. Keep a level of inventory,” atas ng Pangulo kay Bautista.

READ MORE:  PH walang balak makigiyera sa China — PNoy

Binigyan-diin ng Pangulo na pabor siya sa panukalang rice tari­ffication at pag­tang­gal ng import quota upang bumaba ang presyo ng bigas at magkaroon ng matatag na supply sa pamilihan.

READ MORE:  Ex-BI employee timbog sa blackmail

Si Bautista ay naka­takdang magretiro sa darating na 15 Oktubre o pagsapit ng mandatory retirement age na 56-anyos. Si Bautista, mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘85 ay nagsilbi rin bilang pinuno ng Presidential Security Group (PSG) at Task Force commander sa Marawi crisis.

(ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved