Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, boto sa kasalukuyang BF ni KC
Sharon, boto sa kasalukuyang BF ni KC

Sharon, boto sa kasalukuyang BF ni KC

PARANG takot na takot si Sharon Cuneta na tumandang dalaga ang panganay n’yang anak na si KC Concepcion. Inang-ina pa rin siya kay KC na halos 40 years old na, may sarili nang negosyo, at nakakapunta sa ibang bansa anumang oras.

Nakipagbalikan si KC sa boyfriend n’yang Frenchman na si Pierre Plassant na isang direktor sa Paris. Pinapunta siya roon ni Pierre para samahan siyang mag-celebrate ng birthday n’ya (ni Pierre). Ipinaalam ni KC sa madla ang pagsugod n’ya roon sa pamamagitan ng isang post n’ya sa Instagram @itskcconcepcion).

Nakakalula ang mga isinulat ni KC tungkol kay Pierre sa Instagram. Heto ang ilang linya: “He taught me how to be a lady and allow a man to pour the bottles of water or wine, he eats AFTER I take my first bite, he still kindly opens doors, speaks gently, argues fair, is wildly affectionate and respects all that I am…

Thank you for flying me over and having me here in Paris with you for this special day, I appreciate you and all you do, in every language we speak together!”

Sinagot naman ‘yon ni Pierre sa pamamagitan ng pagpo-post ng litrato nila ni KC na hinahalikan n’ya ito sa noo. Ang simpleng caption ng photo ay: “Mon Cœur!” Na ang ibig sabihin niyon ay “My heart!”

READ MORE:  Martin Del Rosario, handa sa role na all-out-gay

Nang makita ni Sharon ang palitan ng Instagram messages ng dalawa, nag-post din siya sa Instagram n’ya (@reallysharoncuneta) at idineklara n’ya na si Pierre talaga ang gusto n’ya para sa anak n’ya.

READ MORE:  Kris, kinilig din sa Sharon-Gabby commercial

Na-meet na ni Sharon noon pa si Pierre. Sa Paris unang naging boyfriend ni Sharon ang French director na mukhang mas matanda kay KC ng ilang taon. Binanggit ni Sharon na kahit na ang yumao n’yang ina ay nakilala si Pierre at nagustuhan din n’ya ito para sa apo n’ya.

Heto ang isinulat ni Sharon tungkol kay Pierre:

This boy I have loved (and missed) for years. This boy Mita loved [“Mita” ay pinaikling “Mamita,” isa sa mga tawag ng megastar sa yumao n’yang ina na si Elaine Gamboa Cuneta.]…

“My full approval with all my heart and soul…I am so happy for you, my beloved princess. A second chance with your prince. Do not waste it or you will NEVER forgive yourselve. Or forget…And happy birthday my dear dear Pierre. God bless you two.”

Sinasabing ang mga magulang ay laging magulang sa mga anak nila habangbuhay. At ganoon nga si Sharon kay KC kahit obvious na matagal na itong nabubuhay independently at madalas ay parang napag-aalaman na lang ni Sharon kung nasaang lupalop ang anak n’ya sa pamamagitan ng Instagram posts nito.

READ MORE:  Sana’y walang pagsisihan si Jason sa pag-alis sa Kapamilya Network

Of course, lahat ng magulang ay kailangang maging handa sa panahong lipad na lang nang lipad kung saan-saan ang mga supling nilang pinatibay nila nang husto ang mga pakpak.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved