Sunday , September 14 2025
Marawi
Marawi

Digong hinimok makipagpulong sa NSC at LEDAC

HINIMOK ni House Majority Leader Rolando Andaya si Pangulong Rodrigo Duterte na tipu­nin ang National Security Council (NSC) at ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LE­DAC) para pag-usapan ang progreso ng Marawi rehabilitation program at ang Bangsa­moro Organic Law (BOL).

“I would suggest that Malacañang call a meeting of the National Security Council, or even LEDAC, para mapag-usapan ang progress ng Marawi re­habilitation and the im­plementation of the Bangsamoro Organic Law,” ani Andaya.

“Dapat malaman kung may problema sa funding,” ayon kay Andaya, “kaya dapat makonsulta ang mga taga-Mindanao.”

Aniya, mahalagang malaman ng Kamara kung ano ang pananaw ng Mindanao bloc.

Ayon sa isang nego­syanteng taga-Marawi, napakabagal ng rehabili­ta­tion sa lungsod.

Wala pa, kahit isang pag-aari niya ang naita­yong muli ng gobyerno.

Ang Marawi at ibang parte ng Mindanao ay nasa ilalim ng Martial Law mula nang sumiklab ang hidwaan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng Maute group.

Sa pagdinig ng bud­get ng Office of the Pre­sident noong Miyerkoles, nagpahiwatig si Execu­tive Secretary Salvador Medialdea na balak ng pangulo na palawigin muli ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapa­gal-Arroyo, suportado niya ito matapos ang pagbomba sa Sultan Kudarat noong Martes.

Ayon kay Arroyo, bilang isang dating presidente, alam niya kung ano ang kailangan ng bansa para tugonan ang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao.

Aniya, susuportahan niya ang pagpalawig sa Martial Law kung gugus­tuhin ng pangulo.

Sangayon si Andaya dito. Aniya, ang pagde­deklara ng Martial Law ay diskresyon ng Ehekutibo.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Brian Poe PCSO CICC DICT PNP Digital Pinoys

Hindi sa bakuran ng Kongreso! — Poe, Umalma vs illegal Online Gaming

Quezon City — Sumama si Congressman Brian Poe sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa …

Goitia

Chairman Goitia: “Hindi Kailanman Maaaring Ipagbili ang Diwa ng isang pagiging Pilipino”

ANO ang halaga ng isang bansa kung hindi nito kayang ipagtanggol ang sariling dangal? Ito …

Gela Atayde Arjo Atayde

Gela sa kapatid na si Arjo: Kuya’s busy serving, not stealing

MATABILni John Fontanilla IPINAGTANGGOL ni Gela Atayde, ang kapatid na si Quezon City Rep. Arjo Atayde, sa …

Turumba Ang Pinakamahabang Marian Festival sa Filipinas

Turumba: Ang Pinakamahabang Marian Festival sa Filipinas

ni TEDDY BRUL INAASAHANG dadagsa ang libo-libong deboto sa Saint Peter of Alcantara Parish Church  …

Bulacan Police PNP

Tatlong most wanted na pugante nasakote sa Bulacan

SA SUNOD-SUNOD na pinaigting na manhunt operation ng pulisya sa Bulacan, tatlong pugante na kabilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *