Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bangkay ng 5-anyos itinago sa computer shop

Bangkay ng 5-anyos itinago sa computer shop

NATAGPUANG patay noong Lunes ang isang 5-anyos paslit makaraan suntukin sa sikmura ng kanyang tiyuhin sa loob ng computer shop sa Baseco Compound sa Maynila.

Ayon sa imbesti­ga­s-yon ng pulisya, namatay ang biktimang si Gwendel Constantino makaraan sikmuraan ng suspek na kanyang tiyuhin.

READ MORE:  127 inmates, palalayain ni Duterte

“Nasuntok ko lang po sa sikmura. Tapos bigla siyang nanginig,” ayon sa suspek na si Jerome Em­berso, na agad hinuli ng mga pulis at ngayo’y nahaharap sa reklamong murder.

READ MORE:  Taas presyo sa petrolyo muling ipatutupad

Dagdag ni Jerome, itinago niya si Gwendel sa computer shop dahil sa takot.

Nabatid sa Homicide Section ng Manila Police District, 9:00 pm noong Linggo nang umalis ng bahay si Gwendel nang hindi nalalaman ng mga magulang.

READ MORE:  Bosero bugbog sarado (Huli sa akto ng promo girl)

Nang hindi umuwi noong gabing iyon, nag­patulong na ang mga kaanak niya sa barangay officials na hanapin siya.

Lunes ng tanghali nang makita ang bangkay ni Gwendel sa loob ng computer shop.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved