Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tatay Digong walang bilib kay Mader Leni
Tatay Digong walang bilib kay Mader Leni

Tatay Digong walang bilib kay Mader Leni

READ: LTFRB Region 4 official may tagong yaman
READ: Palpak ang Prime Waters sa San JoseDel Monte

SA pagpapahayag ng kanyang labis na pagkadesmaya sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na parang gus­to niyang magbitiw sa puwesto.

Pero… may isang malaking pero… ayaw niyang si VP Leni Robredo o Mader Leni ang humalili sa kanya para maging presidente.

In short, bokya kay tatay Digong si Mader Leni.

READ MORE:  Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo

Mas gusto raw niyang ang pumalit sa kanya ay si dating senador Bongbong Marcos o kaya si senador Chiz Escudero.

Ay sus!

Sabi nga niya, mas gusto pa niyang magkaroon na lang ng military junta kaysa humalili sa kanya si Mader Leni.

E siyempre allergic ang mga ‘makabayan’ sa militar kaya rumepeke na naman ng mga puna at batikos laban sa ideya ng Pangulo.

At kapag may rumerepekeng ‘makabayan’ siyempre mayroong ‘makikiuso.’ Natural na luma­hok ang mga yellowtards lalo na kung military junta ang pinag-uusapan.

READ MORE:  Wu Hao Case imbestigahan rin ng Kongreso! (20M payola para makalaya)

Federalismo nga lang, allergic na sila, military junta pa kaya?!

Anyway, isa lang naman ang gustong sabihin ng Pangulo, ginagawa niya ang lahat para sug­puin ang korupsiyon, sana naman ay supor­tahan siya ng mga nagsasabing sila’y nagma­mahal sa bayan.

Oo nga naman.

Magkaiba man sila ng paniniwalang pampo­litika, hindi ba puwedeng suportahan nila ang matinong kampanyang isinusulong ni tatay Digong?!

READ MORE:  Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

‘Yan tuloy, parang maagang nakakaramdam ng pagkapagod ang Pangulo.

Aba pumapasok pa lang ang kanyang admi­nistrasyon sa ikatlong taon, mahaba pa ang laban.

Ano nga kaya ang mangyayari kung biglang magbitiw ang Pangulo?!

Wait and see na lang ba talaga?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved