Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Reklamo ni Dingdong naging issue, dahil sa taas ng ratings ng Probinsyano
Reklamo ni Dingdong naging issue, dahil sa taas ng ratings ng Probinsyano

Reklamo ni Dingdong naging issue, dahil sa taas ng ratings ng Probinsyano

READ: KathNiel movie, ie-exhibit sa iba’t ibang bansa

EWAN, pero para sa amin hindi malaking issue iyong reklamo ni Dingdong Dantes doon sa  Ang Pro­binsi­yano. Siguro naman iyang ABS-CBN, para matapos na lang ang usapan, humingi ng dispensa.

Maski noong araw naman, sa mga pelikula ganoon. May kailangang props na litrato, guma­gawa talaga sila ng picture. Halimbawa kasal, huwag ninyong sabihing gagastos pa sila sa pictorial at damit na pang-kasal eh picture lang naman iyong bahagi ng props. Iyong propsman talagang gagawa na lang ng paraan. Ayun nga, papalitan na lang ang mukha. Sabihin ng propsman sa EP na kailangan niya ng pictorial at costume rental para sa props lang kung hindi siya dagukan ng EP, at iyong artista papayag bang mag-pictorial pa para sa props?

READ MORE:  Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano extended sa taas ng ratings nagkamit pa ng parangal sa Walk on Water Awards 2018
READ MORE:  Kenken Nuyad, wish sa Pasko na makasama sina Bossing Vic at Coco Martin

Kaya nga lang naging issue at napansin dahil napakataas ng ratings niyang Probinsyano. Isipin ninyo, iyong fans pala nina Dingdong talagang nanonood din ng Probinsiyano kaya napansin nila iyon eh. Para mapansin mo iyong props lamang, aba eh talagang attentive ka sa panonood at wala kang detalyeng pinaliligtas.

READ MORE:  Concert ni Nora sa Oktubre, kasado na

Ibig sabihin niyan, talagang matindi ang nanonood ng Probinsiyano, at pati fans ng ibang mga artista ay talagang nakatutok sa panonood ng serye nila. Dahil diyan naniniwala kaming napakataas nga ng ratings ng Probinsiyano.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved