Wednesday , May 15 2024

Angelika, sinalubong ng mala-landslide na basura

MAY 2018 barangay elections results-wise ay landslide ang nakuhang tagumpay ni Kapitana Angelika de la Cruz sa Malabon laban sa kanyang nakatunggali.

Ngunit wari’y hindi rin napagtanto ng aktres na mistulang landslide rin pala ang mga basurang itinambak sa isang bayan nito lalo’t kasagsagan ng matinding ulan kamakailan.

Natural lang na may gawing aksiyon si Angelika, isang seryosong problema nga naman ang pagbaha dulot ng pesteng basurang walang habas na itinatapon na lang ng ating mga kababayang kulang sa disiplina.

Matatandaang kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagtapon ng kanyang bansa ng basura sa paligid ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela). Ito ang tiyak na salarin kung bakit nag-aalboroto ang mga punongbayan sampu ng mga opisyal ng barangay sa mga lugar na ito.

Hindi lang kalusugan ng tao ang nasa bingit ng peligro mula sa waste materials na ito na nagsisilutangan kapag malakas ang ulan. Nariyan din ang panganib bunga ng leptospirosis mula sa ihi ng mga daga na humahalo sa tubig-baha.

Bagama’t malawak ang perhuwisyo ng baha—hindi lang sa nasasakupan ni Kap. Angelika—malaking bahagi nito’y isinisisi sa mga nakaraang administrasyon tulad ng kay dating Pangulong Noynoy.

Mahalagang malaman ng bawat mamamayan na anuman ang iyong itinapon ay tiyak na babalik din sa iyo. What you sow is what you reap lang, ‘ika nga ang peg.

Ito ang aral na natutuhan ng bansang Indonesia na ang isang ilog doon na umaapaw sa basura ay ini-rehabiltate nila. Sa atin, kaunting ulan lang ay mistulang ilog na ang buong kapaligiran.

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Leandro Baldemor

Leandro na-guilty may gustong ihingi ng tawad

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang ma-guilty ni Leandro Baldemor sa isang karanasang ‘di niya makalilimutan noong mga …

Jessa Zaragoza Jayda

Jessa sarili ipinagtanggol, ‘di totoong napikon sa basher

MA at PAni Rommel Placente NAGING isyu para sa ilang netizens ang paghuhugas ni Jessa Zaragoza ng …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Bahay nina Jerome sa Makati nagpayaman sa tiyahin

RATED Rni Rommel Gonzales HORROR ang Sem Break na bagong series ng Viva One at may sariling horror story …

Heart Evangelista Baby Francis FrancisKo

Heart kailangan ng doble ingat para muling mabuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KASAMA kami sa nagdarasal para kay Heart Evangelista na sa ikaapat na pagkakataon …

Kim Molina Jerald Napoles KimJe

Kim at Jerald naitago ilang beses na paghihiwalay

MA at PAni Rommel Placente NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic at habang ginagawa nila ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *