Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pasabog ng PPP, inalat
Pasabog ng PPP, inalat

Pasabog ng PPP, inalat

READ: KathNiel, pinakamatibay na loveteam

INALAT ang pasabog sana ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Hindi na nga kasinlaki iyon ng karaniwang parade ng Metro Manila Film Festival, at doon na lang sila sa Quezon Memorial Circle, akalain ba naman ninyong inabot pa sila ng habagat at mataas na baha. Kaya iniurong nila iyon sa Martes, eh sino pupunta roon ng Martes? Kung wala mang ulan, ang tindi ng traffic diyan kung may pasok. Kung totoo ang sinasabi ng PAGASA na iyang malakas na ulan dala ng habagat ay aabot pa hanggang Miyerkoles, pati opening nila sa sinehan tapos.

Problema na nga ng pistang iyan kung may manonood ba sa mga pelikula nila. Pero palagay namin may maganda naman. Mukhang maganda iyong Bakwit Boys. Mukhang ok din iyong Day After Valentine’s. At least may dalawa ka nang mapapanood, hindi bale na iyong iba. Aabangan mo na lang sa TV iyon, tutal ilang araw lang nasa TV na iyon dahil hindi naman tatagal iyan sa sinehan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top