Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / P1.4-M droga nakompiska sa Bacolod
P1.4-M droga nakompiska sa Bacolod

P1.4-M droga nakompiska sa Bacolod

READ: 3 patay, 26 tiklo sa shabu tiangge sa Bacoor
READ: P4.3-B shabu nasabat sa Manila Port

NAKOMPISKA ang P1.4 milyong halaga ng hini­hinalang shabu sa Baco­lod City, nitong Martes ng hapon.

Anim sachet ng shabu ang nasabat mula kay Faisalin Ibra, ayon sa pulisya.

Ayon kay Ibra, pag­bebenta umano ng DVD ang kaniyang hanap­buhay at mga dalawang buwan pa lamang siya sa lungsod makaraan lumi­pat mula Marawi City.

Inaresto rin ng pulisya ang driver ni Ibra na si Nurban Caunda na sina­bing hindi niya alam na nagtutulak ng droga si Ibra.

“Hindi. Binibigyan niya lang ako ng pera (para mag-drive). Kung minsan 1,000, 2,000,” aniya.

Ayon sa pulisya, ma­ta­gal na nilang mina­manmanan si Ibra.

“Dito sa area sa Bacolod City at lalo na sa Brgy. 4, nakikita natin ang hotels at pension house sa lugar posible na doon na nila mismo idini-deliver ang items,” ani Senior Insp. Leo Estopa, com­mander ng Police Station 2.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top