Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Guaranteed 30 full screen sa bawat pelikula
Guaranteed 30 full screen sa bawat pelikula

Guaranteed 30 full screen sa bawat pelikula

READ: Walang kompetisyon sa PPP — Diño
READ: PPP para sa mga filmmaker
READ: Role ni Kris sa Crazy Rich Asians, isa sa highlight ng pelikula

ANG PPP 2018 ay nation­wide. Kaya naman, ”subject siya sa mga owner ng mga sinehan. Kasi lahat ‘yan business,” sambit pa ni Dino.

Naipamahagi na ang walong pelikula at tiniyak ni Dino na, ”Klaro naman from the very start that FDCP guarantees a 30 full screen for each film, at the minimum but may mga title na mas marami ang kanilang mga title. Not less than 30.

“Iba-iba ‘yung pelikula. The’re are cinemas na apat lang ang screens. They can’t choose all eigh because pipili lang sila ng apat na titles from that eight.”

Hindi rin itinanggi ni Dino na may mas malaking share ng cinemas ang pelikula ni Vhong Navarro, ang Unli Life na handog ng Regal Entertainment at ang kina Bella Padilla at JC Santos, ang The Day After Valentine’sng Viva Films.

“Yes I think so. Because of the nature of their films. ‘Unli Life’ is a comedy, The Day After Valentine’s is nagkaroon siya ng following because of ‘100 Tula Para kay Stella’. Naturally because of the cinemas thinking, may precedent siya of success.”

Sinabi ng FDCP Chairman na hanggang ikatlong araw ang ibinigay nilang palugit kapag mahina ang pelikula. Meaning, sa ikatatlong araw din ito tatanggalin sa mga sinehan.

“Kaya rin namili sila ng mga title because we are guaranteeing three days na hindi sila mapu-full out because may mga pelikulang slow burner talaga eh. Word of mouth siya.

“Nagkakaroon ng mas maraming audience. And of course mayroon na namang machineries. So, iba’t ibang personalities talaga ang iba’t ibang film.”

Iginiit pa ni Dino na, ”Malaking bagay ito sa mga filmmaker natin kasi it’s another platform. It’s nationwide, no foreign films.

“I mean, what we need right now is more platforms like this.

“Alam naman natin ngayon na napaka-unstable and unpredictable ang behavior ng audience natin when it comes to watching to cinemas because of the many platforms now like Netflix ganyan. We have to rally them to go back to cinemas.

Hindi rin itinago ni Dino na excited siya sa PPP 2018 dahil, ”Sobra kasi ang sisipag din ng ating entries. They have their own marketing, promotions plan. Talagang kitang-kita ko talaga everywhere. They’re always promoting their films (artists). I really expecting a bigger turn out this year.”

Magsisimula ang PPP 2018 sa Agosto 15-21 at mapapanood ang mga kalahok na pelikula sa SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, Gateway Cineplex, at Robinsons Galleria.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top