Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / CJ Ramos, problemado at depress
CJ Ramos, problemado at depress

CJ Ramos, problemado at depress

READ: Vhong, pinag-iingat

NAG-CHAT kami sa dating aktor na si Sherwin Ordonez para kunin ang reaksiyon niya sa pagkakahuli ng kapatid niyang si CJ Ramos, dati ring nag-aartista, sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Northern Police District (NPD) at Eastern Police District (EPD) sa isang convenience store sa Tandang Sora, Quezon City, Martes ng gabi, July 31.

Ang reply niya sa amin,”Na-shock at nalungkot, sobra. Sobra kasing problemado and depress ‘yun, kuya, eh.”

Nag-aalala siya sa kanilang ina.

“’Yun nga, hindi niya masyadong kinaya, kaya alalang-alala ako sa kanya.”

For the record, nagsimula si  CJ bilang isang child actor sa pamamagitan ng defunct youth-oriented show ng ABS-CBN 2 na Ang TV noong 90’s.

And since then, nagtuloy-tuloy na ang kanyang pag-aartista. Marami siyang nagawang serye sa Kapamilya Network at pelikula mula sa Star Cinema.

(ROMMEL PLACENTE)

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top