Friday , April 26 2024

Relasyon ng sikat na female personality kay papable na atleta, usap-usapan na

MATAGAL nang usap-usapan ang relasyon ng isang sikat na female personality at ng isang may-edad na pero papable pa ring atleta.

Ang siste, bagama’t walang sabit ang girlalu, may dyowa naman ang hombre na mahina na lang ang radar kung hindi pa natutunugan ang pagtataksil ng kanyang esposo. Ang punchline nga, si girl pa ang may I- spend ng mga biyahe nila abroad.

Ang kuwento, nasa balag ng alanganin ang girl dahil sa kung anong kasong may kinalaman sa politika. Pero mautak ang mga taong nakapalibot sa kanya para protektahan siya.

Ang tsika, isang tauhan niya ang pumiktyur sa isang bonggang out-of-town treat, “Mga dalawang dosena yata ang isinama nila sa outing na ‘yon na ginastusan nila ‘yung mga utaw na nag-iimbestiga laban sa lola mo!”

Dagdag pa ng aming source, “Eh, puwede ba namang wala roon ang lola mo at ‘yung dyowa niyang atleta? Siyempre, nandoon din sila, ‘no! Kaso sa isang tagong kuwarto sila nag-stay, as in ewan ko nga lang kung nag-stay lang sila roon, ha? Baka naglaro sila ng sungka…sungka raw, o!”

Da who ang sikat na female personality na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Mequeni Marubdob.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *