Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Publiko ‘wag pilitin sa Cha-Cha
Publiko ‘wag pilitin sa Cha-Cha

Publiko ‘wag pilitin sa Cha-Cha

HINDI dapat ipilit ng mga taga-administrasyon ang gusto nila na baguhin ang Konstitusyon kung hindi naman ito nais ng taong-bayan, base na rin sa survey ng Pulse Asia.

Nakatatakot ang posibleng mangyari sa sandaling igiit ng Malacañang na ituloy ito nang hindi naiintindihan ng tao. Palasyo na rin ang nagsabi kaya mababa ang bilang ng mga tao na ayaw sa charter change dahil maaaring hindi kasi nila ito alam. 

READ MORE:  Barangay, kinakalakal  ni Chairman “Burikak”

Kaya nga ‘di ba mas nakatatakot kung isusubo sa mama­mayan ang isang bagay na hindi nila alam dahil posibleng  almahan ito, na maaari lang magdulot ng inestabilidad sa ban­sa?

READ MORE:  FOI so easy kay Digong (Natengga nang 12 taon…)

Hindi ba’t mas mainam muna kung pagbubutihin ng gobyerno ang kanyang information drive para mapalakas ang kaaalaman ng mamamayan hinggil sa isinusulong na charter change, hanggang matanggap ito ng publiko, hanggang sila mismo ang humiling na nais nila ng pagbabago sa ating Saligang Batas. 

READ MORE:  Nababoy na ang Carriedo - Rizal Avenue (Manila)

Iyon ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng admi­nistrasyon, pag-aksayahan ng oras at effort ang pagpapa­liwanag sa mamamayan ng kanilang hangarin na baguhin ang Konstitusyon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved