Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Boksingero naaktohan sa drug den
Boksingero naaktohan sa drug den

Boksingero naaktohan sa drug den

IMBES sa boxing ring,  swak sa kulungan ang isang professional boxer makaraan siyang mahuli sa sinalakay na drug den sa Cavite, kamakalawa.

Ayon sa ulat, kabilang sa 16 arestado ng mga awtoridad sa Brgy. Mo­lino 3, Bacoor, Cavite, ang suspek na si Julbirth Tubiana.

READ MORE:  Menorca No Show sa CA Hearing (Walang paliwanag)

Sa surveillance video, makikita ang lantarang bentahan ng ilegal na droga sa gilid lang ng kal­sada.

Mga babae umano ang inuutusang bumili ng droga para hindi maha­lata ang transaksiyon.

READ MORE:  Ayon sa CIDG: P30-M shabu sa cebu galing sa Bilibid

Sa 16 nadakip, kasa­ma rito ang mga nagtu­tulak at gumagamit ng dro­ga, kabilang si Tu­biana na may nakatak­dang laban sa ibang ban­sa.

“Napansin natin na ‘yung katawan niya, hindi ordinaryong addict. Du­mating ang manager niya at sinabi niya na alaga niya ito [boxer] at may laban sana sa ibang ban­sa,” ayon kay Supt. Vic Cabatingan, hepe ng Bacoor police.

READ MORE:  Lola patay sa akyat-bahay

Hindi itinanggi ng boksingero ang paggamit niya ng droga at nanga­kong magbabago na.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved