Thursday , September 18 2025

Pacquiao vs Matthysse ipalalabas sa HD screen

HIGANTENG match-up, dapat lang maramdaman ang kakaibang eksperyens­a ng mga manonood.

Ang makasaysayang si Senador Manny Pac­quiao ay babalik sa ring para bigyang kasiyahang muli ang mga fans partikular ang mga Pinoy.

Sa July 15 (Manila time)  ay nakatakdang harapin ng Pinoy idol ang hard-hitting Argentine na si Lucas Matthesse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi man makapupunta sa nasabing bansa ang maraming Pinoy fans para mag-cheer sa Pambansang Kamao ay merong inooper ang Kia Theatre sa Araneta Center na magandang alternatibo para personal na maramdaman ang maiinit na suntok ng Senador.

Sa pagsasanib ng Kia Theatre at Cignal  ay ma­pa­panood ang pinaka­malinaw na detalye ng laban dahil ang tinagu­riang Fight of Champions ay ilalarga sa higanteng high-definition screen na sumusukat ng 40 feet x 20 feet.

“The  intense action and the immersive sound system in the theater are expected to match the most excited shrieks and roars from the au­dience. Making the experience even better are the affordable prizes of the tickets. For just P500, the public may  buy VIP or Loge tickets which already come with meals. Balcony tickets are available at just P300. Tickets are now available at Ticketnet outlets and online through www.ticketnet.com.ph . Interested buyers may also contact 911-5555. The theatre opens at 9am,”  pahayag ng pamu­nu­an ng Kia Theatre.

Ito ang kauna-unahang laban ni Pacq­uaio pagkatapos ng kanyang controversial loss kay Jeff Horn noong July 2017.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas gumulat sa Egypt sa makasaysayang panalo sa FIVB World Championship

IPINAHAYAG ng Alas Pilipinas ang kanilang pagdating sa pandaigdigang entablado matapos ang isang nakakakabog na …

Morally Jockey Alvarez grand slam Metro Turf Prince Cup

Morally, Jockey Alvarez, grand slam sa Metro Turf Prince Cup

BINALEWALA ng tatlong taon na kabayo na si Morally ang malakas na ulan at maputik …

Alas Pilipinas

Espejo, Bagunas, Alas Pilipinas target ang panalo kontra Egypt

DALA ang mas matataas na inaasahan matapos ang hindi magandang simula, inaasahang makakabawi ang Alas …

Alas Pilipinas Bryan Bagunas

Sa FIVB Volleyball Men’s World Championship
Egypt ‘di babalewalain ng Alas Pilipinas

HNDI babalewalain ng Egypt ang first-timer na Alas Pilipinas, naniniwalang may magandang koponan ang host …

2025 FIVB Mens Volleyball World Championhip

Presyo ng ticket sa laro ng volleyball binabaan

I-FLEXni Jun Nardo BINABAAN na ang halaga ng tickets para sa on-going 2025 FIVB Men’s Volleyball …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *