Tuesday , July 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash
Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash

Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash

READ: Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan

READ: OFWs dinukot sa Iraq, Libya

PATAY ang isang Filipino-American at apat niyang mga anak sa car crash sa Teaneck, New Jersey.

Ayon sa ulat, nitong Biyernes, 6 Hulyo nang mamatay sa insidente ang 61-anyos Filipino-American na si Audie Trinidad at ang kaniyang mga anak na babaeng sina Kaitlyn, 20; Danna, 17; at 13 anyos kambal na sina Allison at Melissa.

Tanging ang 53-anyos ina na si Mary Rose Ballocanag, tubong Min­do­ro, ang nakaligtas sa insidente.

“She said she was asleep, when she woke up, the husband was on her chest leaning, she just wondered what hap­pened, she had fracture all over her body,” salaysay ni Lydia Agas, tiyahin ni Ballocanag.

Ayon kay Agas, hindi pa nakaplano ang burol at libing ng mag-anak.

Iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng car crash at wala pang nasa­sampahan ng kaso.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved