Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, malabong pumatol sa lalaking 55 na ang edad
Kris, malabong pumatol sa lalaking 55 na ang edad

Kris, malabong pumatol sa lalaking 55 na ang edad

MALABO ang labeling ni Kris Aquino sa relasyon nila ng abogadong si Gideon Pena.

Aniya, magkaibigan sila. Walang anumang romantikong ugnayan. Friends pero kapwa nila binlock ang isa’t isa sa kani-kanilang social media account?

Sa umpisa kasi, sa aminin o hindi ni Kris ay may pahiwatig siyang posibleng sa relasyon mauwi ang kanilang friendship. Pero kaagad niya itong binawi makaraang i-compute niya ang kanilang edad.

READ MORE:  Jen, ‘di kailangan ng Dos

Si Kris, who’s 47, ay naniniwalang ang perfect match niya sa pag-ibig ay walong taon ang agwat, either mas bata o mas matanda kaysa kanya.

READ MORE:  Judy Ann Santos mas gusto raw si Ate Vi compared kay Piolo!

Forty seven na si Kris, for sure naman, batay sa kanyang paniniwala ay malayong mangyaring pumatol siya sa lalaking 55 na ang edad, ‘di ba? And the more na nagkakaedad si Kris, lalong malabong mangyari ‘yon.

Talk about irony sa ating buhay.

Ang kapanganakan ni Kris ay February 14, Araw ng mga Puso. Pero sinira niya ang dapat sana’y hatid nitong “love is in the air” sa kanyang personal lovelife, na pangit mang pakinggan ay kabiguan ang resulta.

READ MORE:  International offer kay Liza, niluluto na

Sadyang one can’t have it all.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved