Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, sa kare-kare inihambing si Julia sakaling ulam ang aktres
Coco, sa kare-kare inihambing si Julia sakaling ulam ang aktres

Coco, sa kare-kare inihambing si Julia sakaling ulam ang aktres

SAKTO ang pagkuha bilang brand ambassador kay Coco Martin ng Ajinomoto Sarsaya Oyster Sauce dahil marunong magluto ang aktor at aminadong ginagamit niya talaga ang produkto dahil malinamnam at mura pa, pang masa ang presyo.

Kaya naman sa launching ng 2nd TVC ng Sarsaya Oyster Sauce sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Quezon City ay talagang tinanong si Coco kung ano ang paborito niyang lutuin at kainin na kaagad niyang sinagot ng ‘kare-kare.’

READ MORE:  Sue, ‘di nagpapaligaw sa text

Natanong din kung sakaling ulam siya ay ano, “adobo kasi habang tumatagal mas sumasarap.”

Bata palang ay marunong nang magluto si Coco dahil siya ang assistant ng lola niya kapag nagluluto kaya naman Hotel Restaurant and Management ang tinapos nitong kurso sa kolehiyo.

Hindi man nakapagpatayo pa ng restaurant niya ang aktor ay nagagawa naman niyang ipagluto ang pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

READ MORE:  Edgar Allan, pumalag sa paggamit daw sa kanya ni Neumann

Ilang beses na nga niyang ipinagluto ang kanyang lola sa Ang Probinsyano na si Ms Susan Roces at iba pang mga kasama niya.

Ang babaeng nauugnay sa kanya noon pa na si Julia Montes ay sa kare-kare niya inihambing kung sakaling ulam ang dalaga at ito rin ang ipinatikim niya noong una niyang ipagluto ang aktres.

READ MORE:  Ate Vi, pinagkakaguluhan pa rin (kahit madalang nang gumawa ng pelikula)

Nabanggit din ang leading lady niyang si Yassi Pressman sa FPJ’s ang Probinsyano na kung anong ulam niya ito ihahambing, “beef steak kasi isa sa masarap kainin,” na ikinatawa ng marami dahil binigyang malisya.

Pero mukhang hindi naman si Yassi ang nagpapasaya kay Coco dahil wala naman siyang facial expression kapag nababanggit ang pangalan ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved