Saturday , April 27 2024

Jillian Ward, bilib kay Ms. Gloria Romero sa Daig Kayo ng Lola Ko

MULA sa pagiging isang child star ay lumalaking isang magan­dang young star si Jillian Ward. Nagsimula siya sa pagl­abas sa commercials noong four years old pa lamang at mula rito ay lumabas panandalian sa Wachamakulit, tapos ay naging bida agad sa TV series na Trudis Liit ng GMA-7.

Nagdadalaga na si Jillian ngayon at lalo itong guma­ganda habang lumalaki. Kaya sure kami na may mga project na pinaplano na sa kanya ang GMA-7 dahil malaki ang potential ng dating child star na maging big time na teenstar at pambato ng Kapuso Network.

Ngayon ay napapanood si Jillian every Sunday sa Daig Kayo ng Lola K bilang si Alice. Ang naturang drama, fantasy, anthology ay tinatampukan ng veteran actress na si Ms. Gloria Rome­ro.

Anyway, na­banggit sa amin na Jillian na gusto niyang sumabak sa mga heavy drama roles, kaya inusisa namin siya kung wala bang balak ang mga bossing nila sa Daig Kayo ng Lola Ko na lag­yan ng special episode na sila mismo ang aarte? Ang gina­gawa ka­si nila roon ay parang nagkuku­wentohan lang, na style Lola Basyang habang nagku­kuwento sa mga bata si Ms. Gloria.

Saad ng 13 year old na young actress, “Wala nga po eh, pero sina-suggest ko rin po minsan, pero baka gawin naman po nila, malay mo po.”

Para maka-acting ka ulit? “Opo, kasi nami-miss ko na rin ang um-acting, yung heavy drama po talaga na parang noong Sa Piling ni Nanay. Kasi, heavy drama po ‘yun. Talagang ano po yun eh, intense. Umabot pa nga po yun sa Malaysia. Sobrang sikat po sa Malaysia niyon.

“Bale 2016 po ‘yun, nandoon po sina Ate Yasmien Kurdi, ate Katrina Halili, Kuya Mark Herras and Tito Gabbi Eigenmann. Actually, guest lang po ako roon ng five days, tapos na-extend po kami ng five months kasi talagang yung ratings po, tuloy- tuloy na mataas po. Lagi kaming top noon, kaya na-extend po,” nakangiting saad pa ni Jillian.

Sobra rin ang paghanga niya kay Ms. Gloria. “Sobrang bait po niya and si Lola Glo po talaga ibang klaseng profes­sional po siya. I mean, sa age niya po di ba, ang hirap na po mag-memorize at umacting. Pero siya po, talagang parang wala po siyang nakakalimutan na lines and since… grabe po siyang star, ang tagal niya na po pero, humble pa rin po siya, eh. Sobrang bait po niya, talagang pati sa akin, parang apo na po niya ako talaga. Ang tawag ko po sa kanya ay Lola Glo.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *