Friday , April 26 2024

Luis at Jessy, nagpakasal na sa abroad

GAYA-GAYA, puto-maya ang peg nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa planong pagpapakasal sa abroad. May nagsabing paeklay lang ito ng dalawa dahil baka kasal na ang dalawa dahil kararating lang nila sa kanilang bakasyon mula Europe na ipinagdiwang nila ang kanilang ikalawang anibersaryo.

Matatandaang nagpakasal ang mga magulang ni Lucky na sina Vilma Santos at Edu Manzano sa ibang bansa noong gawin nila ang kanilang pelikulang Romansa mahigit na sa 30 taon ang nakalilipas.

May advantage naman ang magpakasal sa abroad dahil minus gastos ito at madali magkipag-diborsyo tulad ng nangyari sa mga magulang ng aktor na nag-diborsiyo pagkatapos siyang isilang. Hindi nagtagal ay nagpakasal si Vilma kay Sen. Ralph Recto at si Edu naman ay nagpakasal kay Maricel Soriano.

Matagal nang magsyota ang dalawa at kung magpapakasal man ang dalawa ay parang pagbibigay-pabor kay Ate Vi na gusto na nitong magka-apo. Tama lang na magpakasal din sila sa abroad para kung nagkasawaan ay madali lang sa kanila ang maghiwalay.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *