Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Q & A ng It’s Showtime, mas bago at nakaaaliw kaysa SS ng EB!
Q & A ng It’s Showtime, mas bago at nakaaaliw kaysa SS ng EB!

Q & A ng It’s Showtime, mas bago at nakaaaliw kaysa SS ng EB!

OBVIOUS na ang pantapat ng It’s Showtime sa kalaban nitong Eat Bulaga ay ang Q & A segment to rival the latter’s Super Sireyna.

Ang kaibahan nga lang ng Q & A ay mas binibigyan ng timbang ang pagsagot sa mga tanong na ipinupukol sa mga beking kandidata.

Mula nang umpisahan ito, so far ay isa pa lang—si Juliana Segovia na taga-Pasay City—ang kampeon. Nasilat kasi kamakailan ang dapat sana’y makakalaban ni Juliana.

READ MORE:  Dianne, proud na naging leading lady ni Gerald

Ang nagwagi kasi ay isa ring komikerang bayot, si President Ganda Curtis Smith na obviously ay pinagsama ang mga pangalan ng segment hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Instant superstar na rin si P. Ganda sa kanilang lugar kahit as of this writing ay nakakailang panalo pa lang siya. Nag-trending din siya sa YouTube palibhasa’y kapos man siya sa magandang hitsura’y bumabawi naman siya sa talino sa pagsagot at bilis sa pag-pick up ng  jokes.

READ MORE:  Asset ng My Illegal Wife si Ellen Adarna!

Halata ring napabilib ni P. Ganda mismo si Vice Ganda na produkto ng stand-up comedy bar. Ayon na rin sa mga hurado’y nakatisod na naman sila ng isang comedic talent na hindi malayong mabibigyan din ng break sa showbiz.

At bakit naman hindi?

Samantala, kung kami ang tatanungin ay mas bago at mas nakaaaliw ang Q & A ng It’s Showtime kompara sa original counterpart nito, ang Super Sireyna.

Mas nangingibaw kasi ang ganda sa SS kompara sa Q & A, na para sa amin ay naglalayong iangat ang imahe ng mga bakla sa mata ng lipunan anupaman ang kanilang panlabas na anyo.

READ MORE:  Diet, sa Paris, France naglalagi, ‘pag walang project?

Mabuhay ang Q & A! And I thank you!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved