Saturday , April 27 2024

GMRC kargo ng magulang — Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na malaking hamon sa kanila ang magturo ng “good manners and right conduct” sa mga mag-aaral dahil napapanood si Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng masasa­mang salita sa kanyang mga talum­pati.

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, trabaho ng mga magulang ang magturo ng kagandahang asal sa kanilang mga anak at hindi dapat iasa sa mga guro.

“Well, hindi naman po natin sinasabi iyon, pero nandiyan po ang mga magulang. So tingin ko po ang mga magulang talaga ang dapat na nagtuturo ng tamang conduct. Ako po pagda­ting sa pagpapalaki ng mga anak ko, wala po akong inaasahan sa mga guro, ako po mismo ang nagbibigay ng values formation diyan,” sagot ni Roque nang tanungin kung okay lang sa kaniya na gayahin ng mga bata ang pagsasalita ng Pangulo.

Ani Roque, hindi niya alam kung gumagamit nga ng mga salitang tumutukoy sa “killing, misogyny and vulgarity” ang Pangulo at hindi rin niya batid kung paglabag ito sa kagandahang asal.

“Hindi ko po alam kasi mukhang tanggap naman ng taong bayan iyan ‘no. So kung iyan po ay labag sa —ewan ko ba iyon, iyong sabi nila good conduct, e iyan po ang hatol ng taong bayan sa kaniya,” tugon ni Roque nang usisain kung nanini­wala siyang gumagamit ng masasamang kataga ang Pangulo.

Giit ni Roque, tinang­gap ng publiko ang pagkatao ng Pangulo at ibinoto siya kahit sinabi na hindi na mababago ang klase ng kanyang pana­nalita.

“Pero ang Presidente po hindi nag-plastic, tumakbo po siya ganiyan na siya at sinabi pa niya, ‘Huwag ninyo akong asahang magbago.’ So tingin ko po alam naman ng lipunan kung sino ang inihalal nilang Presidente. So tanggap po nila ang Presidente for who he is,” aniya.

Binigyan diin ni Roque, maka-kaliwa ang ACT at ang opinyon ng mga gurong kasapi nito’y hindi pananaw ng kara­mihan ng mga titser.

Naging pangka­rani­wan sa mga talumpati ng Pangulo ang pagmu­mura, mga katagang tumutukoy sa pagpatay at ginagawang biro ang kababaihan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *