Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babaeng naanakan pinaslang, pari hinahanap
Babaeng naanakan pinaslang, pari hinahanap

Babaeng naanakan pinaslang, pari hinahanap

NAGA CITY – Kabilang ang isang pari mula sa Archdiocese of Caceres, sa mga iniimbestigahan ng pulisya kaugnay sa pagpaslang sa  isang babae noong nakaraang linggo.

Pirmado ni Fr. Darius Romualdo ang inilabas na pahayag ng simbahan tungkol sa pagkamatay ni Jeraldyn Rapiñan.

Nakikiramay ang simbahan sa pamilya ng biktima at nagsasagawa ng sariling imbesti­gas­yon.

READ MORE:  Pope Francis: 3rd country dapat mamagitan sa US vs North Korea

Noong nakaraang Biyernes, natagpuan ang bangkay ni Rapiñan sa San Fernando, Camarines Sur. Nakaposas at naka­ga­pos ang biktima at tila itinapon sa tabi ng kal­sada.

Sa follow-up opera­tion ng San Fernando Police, lumalabas na isang pari ang posibleng may kinalaman sa insidente.

READ MORE:  50-anyos kelot tumalon sa ilog, nalunod

May limang-buwang anak ang biktima na sinasabing ang mismong pari ang ama.

Ikinabigla ito ng sim­bahan ngunit ang pamil­ya ng biktima, wala pang lakas loob na isapubliko ang pangalan ng nasabing pari.

Nagtutulungan ang Provincial Police Office at ang binuong task force para sa agarang pagkalu­tas ng kaso.

READ MORE:  2 brand new fighter jets ng PAF darating sa 2015

Iniipon ngayon ang mga kopya ng CCTV footage at iba pang ebi­densiya na makatu­tulong sa pagtukoy sa sangkot sa krimen.

Habang siniguro ng pamunuan ng Archdio­cese of Caceres na suspen­siyon o tuluyang pag­tang­gal sa Simbahang Katolika ang haharapin ng nasabing pari kung mapatunayang nagka­sala.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved