Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryzza Mae Dizon mahusay sa career strategy
Ryzza Mae Dizon mahusay sa career strategy

Ryzza Mae Dizon mahusay sa career strategy

SA husay ng namamahala sa career ni Ryzza Mae Dizon na si Ma’am Malou Choa-Fagar na bise presidente at COO ng Tape Inc., at tinatawag na Nanay ng Eat Bulaga, mukhang hindi malalaos si Ryzza.

After sumikat sa kanyang sariling morning talk show na “The Ryzza Mae Dizon Show” at teleseryeng “Princess In The Palace” nakasama niya ang actress TV host na si Eula Valdez at Aiza Seguerra. Ngayon naman ay patok na patok at kinaaaliwan nang todo si Aleng Maliit (Ryzza) sa kanyang performance sa “Barangay Jokers” bilang si Boss Madam na iba-iba ang sosyal na outfit, bag, shoes, alahas araw-araw.

READ MORE:  K at Pooh, may chemistry bilang Espesyal Couple
READ MORE:  Kim, lucky charm ni Xian!

Click din sa TV viewers ang sariling estilo ni Boss Madam sa pagsasayaw na pinauuso ang liyad dance.

Kasama sa nasabing segment ang Pamba­sang Bae na si Alden Richards, mga miyembro ng grupong Baes led by Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ganoon rin sina Hopia at Kendall at ang PA ni Alden na si Mama Ten Ten. Malay natin at sumunod si Ryzza Mae sa yapak ni Aiza na maging full-pledge singer.

READ MORE:  Paulo at Jasmine, naispatang nagdi-dinner

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved